Kasabay ng pagbabahagi ng huling mensahe mula sa dating fiance na si former interior secretary Mel Sarmiento, kinumpirma ni Queen of All Media Kris Aquino ang hiwalayan nila ng lalaking nakatakda nang mapangasawa niya.
Sa pamamagitan ng isang Instagram post, inihayag ni Kris ang dahilan kung bakit wala nang makikita pang bakas ni Mel sa kanyang social media accounts. Aniya, sa kabila ng estado ng kalusugan niya ay pinipili niyang ipabatid sa mga nagtatanong kung ano ang kinahinatna ng relasyon nila para tuluyan na rin niyang maisara nang matiwasay ang kanilang kabanata.
“Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao bang gustong pag-usapan pa ang kanyang paghihiwalay? But in order for me to be able to peacefully move on, and focus on myself and my health because my sons still need me, Kuya Josh has autism, and Bimb will only turn 18 in three years, three months, and 16 days, I must end this chapter,” aniya.

Kalakip ng nasabing statement ang screenshots ng mga huling sinabi ni Mel sa kanya. Dito, mababasa na kalusugan ni Kris ang dahilan kaya pinili niyang palayain ang aktres na mayroong autoimmune disease.
Saad niya, “For the past two days, I had enough time to think about things and accepted the fact that ensuring you don’t get COVID is an enormous responsibility. Given my nature, who loves to go out, I accept the fact that I already have a bubble fatigue and I will not be able to, sad to say, be able to continue living in a bubble. On that note, with a heavy heart, I accepted your offer of letting me go. For I cannot in conscience be able to accept that something will happen to you that brought about my going out of the bubble. I will always cherish in my heart the happy moments we had together.”
“I do love you, but I guess this is goodbye for your life of greatest importance, given that you have Bimby and Josh to take care of. You will forever be in my heart,” sabi pa nito.

Matatandaang ilang buwan pa lamang ang nakararaan matapos ma-engage ng dalawa. Ani Kris, ito na ang huling beses na magsasalita siya tungkol kay Mel.
“After that, you will never read nor hear anything at all about him from me, because I still want to preserve whatever dignity I have left,” saad niya.
Samantala, ibinahagi rin ng aktres na lilipad siya patungo sa ibang bansa para sa mga kinakailangang diagnostic test at treatment sa kanyang kondisyon.
