Mainit ngayon ang balita tungkol sa actor-politician na si Anjo Yllana dahil sa pag-atras niya sa kanyang kandidatura para kongresista sa 4th District ng Camarines Sur.
Noong una ay idinahilan niya ang kanyang kalusugan sa ginawang withdrawal ng Certificate of Candidacy, pero nito lang nagdaang New Year’s Eve ay inamin niya na pera ang dahilan ng pag-atras niya.

Screenshot from Ogie Diaz’s vlog
Ibinulsa raw ng “katiwala” niyang mag-syota ang bahagi ng campaign budget na ibinibigay ng sponsor niya kada buwan. Katumbas daw iyon ng buwanang sahod niya bilang TV host na P500,000.
Nitong unang araw ng Enero, sumambulat ang balita na ang tinutukoy niyang katiwalang mag-syota ay dili iba’t ang nakababatang kapatid na si Jomari at ang kinakasama nito ngayong si Abby Viduya.
Masama umano ang loob ni Anjo na tila siya ang lumalabas na mali sa mata ng kanilang ina, na ang mas pinaniniwalaan daw ay ang mga pahayag ni Jomari.
Kaya hinamon niya ang dalawa sa isang lie detector test sa Camp Crame upang malaman at mapatunayan sa kanilang ina na siya ang nagsasabi ng totoo.
“Kung ayaw nila ng court proceedings, simple lang kaming tatlo ni Jomari at Abby schedule a lie detector test sa Camp Crame, just to prove to my mom I am telling the truth. Siguro naman, kung ‘di sila guilty, papayag sila sa hamon ko na ito,” bitaw ni Anjo kay Jomari at Abby.

Image from Filipino News
Ang mainit na balita ay lalo pang umiinit dahil sa mga “chika” na nasagap umano ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz.
Sinabi niya sa kanyang “Ogie Diaz Showbiz Update” vlog sa YouTube noong January 4, 2022, na ayon daw sa kanyang “source” sa Camarines Sur, ang tunay raw na dahilan ng pag-atras ni Anjo ay ang P5 million na alok sa kanya ng kalaban sa politika.
Nilinaw naman ni Ogie na hindi niya kinukumpirma ang nasagap niyang impormasyon mula sa “source” na sinasabi.
Itatanong niya raw kay Anjo kung totoo nga ang nasagap nilang balita mula sa “source” sa Camarines Sur.

Screenshot from Ogie Diaz’s vlog
Narito at panoorin ang vlog ni Ogie Diaz: