Apela ni Katarina Rodriguez sa mga nais magbigay ng damit sa mga nasalanta: "Don’t donate clothes you won’t even wear”

Nais mo rin bang makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette? May ibinahaging mensahe at apela ang Miss World Philippines 2018 na si Katarina Rodriguez sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong-donasyon sa pamamagitan ng mga damit o used clothing.

Aniya sa serye ng mga Instagram stories na ibinahagi kamakailan, “Don’t donate clothes you won’t even wear.”

Ang kanyang tinutukoy ay mga damit na nagamit na para sa mga nasalanta at labis na inilugmok ng bagyong Odette na mga kababayan natin nitong nakaraang buwan ng Disyembre 2021. Kung ikaw nga naman mismo ay ni hindi mo na maatim isuot ang isang damit mo na luma na at may sira pa, ‘yung ibang tao pa kaya?

Photos via Katarina Rodriguez / Instagram

Ibinahagi rin niya ang post ng isang netizen kaugnay sa mga lumang damit na idinonate ng ibang tao kung saan ay inilahad ng huli na hindi nila deserve ang mga ‘basura’ ng ibang tao porke’t sila ay nasalanta ng kalamidad.

Anito, “Hindi naman dahil walang-wala na sila ay deserve nila ang basura ng mga tao, sorry pero yung ibang nakuha namin na donation sobrang dumi at butas-butas na.”

Bilang pakiusap na rin, idinetalye niya na kung may mga butas na ang ibibigay na damit, ‘wag nang isali sa donasyon. “Repost from @ruumac If there are holes in your clothes do not donate them…”

Gayundin sa mga damit panloob o mga underwear, “Also, don’t donate your dirty panty or dirty underwear…” Sino ba naman ang masayang gagamit ng used underwear mula sa ibang tao?

Maaari namang piliin lamang ang maaayos pa at malilinis. “If it is not wearable (essential) clothes, don’t send it.”

Naroon din ang paalala na yaong mga “appropriate clothing” lamang ang ipadala. Hindi naman kasi tama na basta na lamang ikahon ang kahit na anong gamit na gusto mo lamang idispatsa gaya ng mga nag-viral na donasyon noon sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda (2013) at pag-alboroto ng Bulkang Taal (2020).

Magugunitang kumalat sa social media ang mga larawan at videos ng mga donasyon na gowns, costumes, mga mala-antigong damit at mga sira-sirang kasuotan na hindi naman naaangkop para sa pangangailangan ng mga nasalanta. Maging mga gula-gulanit nang kumot, tuwalya at panapin ay hindi na dapat ibinibigay sa kawanggawa.

Wika ng isang commenter, “I remember how you started Katarina’s closet and your realization about giving families a sense of dignity with quality donations and how best it would be to donate money instead of stuff.”

Photo via Katarina Rodriguez / Facebook

Si Katarina ay aktibo sa pagsasagawa ng donation drive para sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Kabisayaan at sumusuporta rin sa mga proyekto ng ‘Save The Children PH”.

Sa kanyang social media accounts ay makikita ang kanyang mga panawagan. Mayroon ding para sa recovery ng mga taga-Siargao na labis na naapektuhan ng bagyong Odette. Ang isla ay itinuturing niya pala bilang pangalawang tahanan.

Aniya sa isang post, “The people of Siargao still need our help. Construction supplies, rain protection & meds are the priority. Any amount will go a long way.”

Photo via Katarina Rodriguez / Instagram

 

Post a Comment

Previous Post Next Post