'Aleian Invasion': Alexa at Eian sinurpresa ng fans gamit ang globe sa SM MOA

Literal na isang napakalaking surpresa ang ibinigay ng fans sa tambalang Aleian, o ang sumikat na tandem nina Alexa Ilacad at Eian Rances sa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) House.

Sa Twitter, ibinahagi ng Titas of Aleian ang ilang photos at clips na kuha sa SM Mall of Asia Globe noong mga sandaling pine-play dito ang video ng mga moment nina Alexa at Eian sa Bahay ni Kuya (BNK).

“Aleian Invasion,” tawag ng Aleian fans sa kanilang ginawa. “All for you, @alexailacad (and) @eianrances. Aleian invades MOA.

aleian

Tuwang-tuwa sina Alexa at Eian sa handog na ito ng mga supporter nila, na noon pa man ay sumusubaybay na sa kanilang dalawa. Wika ni Alexa, “OH MY GOD! Aleians, you really are out of this world! This is absolutely mind-blowing, @titasofaleian. THANK YOU INFINITY TIMES! Can’t wait to see this in person and take photos.”

aleian

Nagpasalamat din si Eian sa pagmamahal na ibinibigay ng mga supporter nila ni Alexa. Aniya, “Hindi makapaniwala sa suporta at pagmamahal niyo. Mayayakap ko rin kayo lahat ng mahigpit sa takdang panahon. Maraming salamat! Mahal na mahal namin kayo.”

aleian

Aleian sa labas ng Bahay ni Kuya

Matatandaang marami rin ang kinilig matapos mag-tweet si Eian at sabihing hindi naging madali para sa kanya ang mga nakalipas na buwan ngunit “worth it” ang lahat ng mga pinagdaanan niya dahil kay Alexa.

“The last few months have been a roller coaster ride, but all worth it kasi naro’n ka. Thank you for being you. Happy New Year, @alexailacad,” wika niya.

Bukod pa rito, nagpadala rin si Eian ng isang kahon ng rosas na may kalakip na mensahe mula sa kanyang fellow celebrity housemate, “Maglalakbay patungo sa kung saan, kahit walang kasiguraduhan, dala-dala ang napagkasunduan, na tayo lang ang may alam.”

Makulay ang mga pangyayari sa loob ng bahay sa pagitan nina Alexa at Eian. Naging malapit ang dalawa ngunit sinubok din ang pagsasama, kaya naman hati palagi ang reaksyon ng mga tao sa tuwing may mababalitaan tungkol sa dalawa. Gayunman, hindi nagpapatinag ang Aleian fans.

aleian

Post a Comment

Previous Post Next Post