Prenup shoot ng dalawang senior citizen, kinakiligan

Marami ang kinilig sa prenup shoot ng dalawang senior citizen sa Laoag City, Ilocos Norte na nagpakasal nitong Enero 10 matapos ang 25 taong pagsasama.

Imahe mula sa Facebook | Ballog Ni Ilocano

Sa isang panayam sa ABS-CBN News, sinabi nina Lolo Reynaldo, 65, at Lola Edita, 61, na napagkasunduan nilang hintayin ang kanilang 25th anniversary bago mauwi sa kasalan ang relasyon dahil nais nilang makasigurado. May mga pagtatalo raw kasi sila noong araw.

Worth the wait naman ang kanilang pag-iisang dibdib, lalo na at napaghandaan nang husto maging ang kanilang prenup pictorial na ang kanilang apong si Mark Harvey mismo ang kumuha.

Sumasalamin sa simple ngunit masaya nilang pamumuhay ang mga larawan. Makikita sila ritong kasama ang alagang baka. Sa ilang pictures naman ay sakay sila ng sidecar na ginagamit nila sa paglalako ng gulay.

Imahe mula sa Facebook | Ballog Ni Ilocano

Taong 1994 unang nagkakilala ang bagong kasal sa isang karinderya kung saan cook at waitress si Lola Edita at customer naman si Lolo Reynaldo. Hiwalay noon sa kaniyang live in partner si lola at biyudo na si lolo.

Samantala, inulan naman sila ng pagbati mula sa netizens na humanga sa kanilang relasyon. 

“Congratulations to the both of you. May you have more years of happiness together. Mapapa-sana all ka talaga,” bati ni S Merin.

Imahe mula sa Facebook | Ballog Ni Ilocano

“Ang pag-ibig, wala naman sa edad at lalong hindi sa estado ng buhay. Mayaman o mahirap, bata man o matanda, kapag umibig, walang sinuman ang pwedeng humadlang,” komento ni V. Cano.

“Wishing you many more years and happiness together filled with love, laughter, and happiness,” sabi naman ni S. Tahir.

“Wow, such a perfect definition of love, happiness, and contentment. God bless po!” ani Lowella A.

Congratulations and best wishes, Lolo Reynaldo at Lola Edita!

Post a Comment

Previous Post Next Post