Ipinakita ng Javelin thrower na si Maria Andrejczyk mula sa Poland na mayroon siyang ginintuang puso nang ipasubasta niya ang silver medal na napanalunan niya sa Tokyo Olympics upang itulong sa isang sanggol na may karamdaman.

Ipinasubasta ni Andrejczyk, na isang bone cancer survivor, ang medalyang pilak sa halagang $125,000 at ang halaga ay ibinigay niya para sa operasyon ng walong-buwang-gulang na sanggol na kailangang maoperahan sa puso.
Ang operasyon sa sanggol na si Miloszek ay gagawin sa Stanford University Medical Center sa Amerika.
Ayon kay Andrejczyk, nabasa niya sa isang social media platform ang fund-rising campaign ng pamilya ng sanggol at agad siyang nagdesisyon na tumulong.
“Miloszek has a serious heart defect. He needs an operation. It’s for him that I am auctioning my Olympic silver medal,” sabi ng atleta.
Inanunsiyo niya na ang Zabka, isang Polish grocery store chain, ang nanalo sa subastahan sa presyong $125,000.
“It is with the greatest pleasure that I am handing over to you Zabka, the little big store chain, my medal, which to me is a symbol of faith* and perseverance* in the face of great obstacles,” wika ni Andrejczyk.
Sa isang panayam, sinabi ng butihing atleta na ang pagkakapanalo niya sa silver medal ay nagdulot sa kanya ng napakalaking kaligayahan at nais niya umanong maipasa ang kasiyahan sa batang nangangailangan niyon.

“The true value of a medal always remains in the heart. A medal is only an object, but it can be of great value to others.This silver can save lives, instead of collecting dust in a closet. That is why I decided to auction it to help sick children,” aniya.
Sinabing Zabka na naatig ito sa kabutihan ni Andrejczyk at nagdesisyon na hindi kunin ang medalya kahit binayaran ng malaking halaga.
“We were moved by the beautiful and extremely noble gesture of our Olympian, so we decided to support the fundraiser for Miloszek. We also decided the silver medal will remain with Ms. Maria.”
