From cryptic post to lipat bahay: Trina Candaza at Carlo Aquino, hiwalay na nga ba?

Usap-usapan sa social media ang mag-partner na sina Trina Candaza at ang aktor na si Carlo Aquino na pinagdududahan ng mga netizens kung hiwalay na nga ba.

May haka-haka umano na nagkakalabuan ang dalawang mag-partner. Mapapansin sa kanilang social media accounts na halos walang litrato ang dalawa na magkasama noong nagdaang Christmas at bagong taon.

Ngunit noong Enero 13, 2022 ay pareho silang nag-post sa kani-kaniyang Instagram account para sa isang ‘paid partnership’ sa isang produkto ng diaper kasama ang anak nilang si Mithi.

 

Noong Enero 19, 2022 nag-post muli si Trina sa kanyang IG kalakip ang kanyang litrato.

“Little by little, day by day, what is meant for you will find its way,” aniya sa post.

Sa isang post  naman ni Carlo, ay nagbahagi siya ng kanyang litrato na may caption na “Silence and coffee.”

Mas lalo pang uminit ang usap-usapan ng mga netizen kung saan may cryptic post umano sa kaniyang Facebook account si Trina noong Enero 28, 2022.

“You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya. Kung may pinupuntahan na agad na babae,” aniya.

“Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago,” dagdag pa niya.

Sa isang basher naman na nagsabi na, “Karma is a bitch talaga. Ayos lang yan! Pumatol ka nga kay Carlo noon nung sila pa ni Angelica eh [laughing emoji]. mas masakit talaga pag binalikan ka ng karma doble yung sakit. Worst is, may anak kayo.”

Agad na tumugon dito si Trina. “Huh? hindi naman sila nagkabalikan, sakin nag commit tas ang labas ako pa ang nang agaw. I kept quiet that time para kay Carlo, pero wala akong inagaw.” 

 

May mga followers pa rin silang hindi mapakali dahil hindi malinaw sa kanila kung ano na ang status ng relasyon ng dalawa.

“Hello mam! mam sana ok lang k yu ni sir carlo i’m a big fan po.”

“True ba hiwalay na kau ni Carlo? Wag nman Sana bagay pa nman kau at cute baby nio.”

May umaasa naman na sana ay magkaroon muli ng vlog ang dalawa.

“I love your family sana magkaroon na uli kayo ng blog @trinacandaza @jose_liwanag super bagay kayong dalawa MAY THE GOD BLESSED YOU ALWAYS.”

 

Samantala,  nag-upload naman siya sa kanyang Youtube account ng “Our new home” vlog. Mula sa kanyang cryptic post sa social media hanggang sa kasalukuyan nilang bagong tirahan ng kanyang baby, tila nagpapahiwatig ang mga ito na hiwalay na nga ang dalawa.

Ilan sa mga netizen ang nagkomento.

“Mahirap at masaya maging single mom. Kaya mo yan Ms.Trina. Laban lang. Stay safe and strong.”

“My heart goes out to you and Mithi, you deserve someone better than Carlo. If di na kayo magkakabalikan! Stress lang yan, babalik din pangangatawan mo! Keep safe you both. I’ll support your blogs for Mithi’s future.”

Post a Comment

Previous Post Next Post