Naglabas ng kautusan ang Korte Suprema na patawan ng preventive suspension ang senatorial candidate na si Atty. Larry Gadon.
Inatasan din nito ang abogado na magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat patawan ng pinakasukdulang parusang disbarment o tanggalan ng lisensya para makapag-practice ng abogasya.

Image from PNA
Basahin: Atty. Larry Gadon ipinadidisiplina sa Korte Suprema dahil sa ginawa nito sa female journalist
Ang kautusan ng Supreme Court ay may kinalaman sa viral video ni Atty. Gadon kung saan pinagmumura niya at sinabihan ng mga salitang kalapastanganan ang investigative journalist na si Raissa Robles.
Epektibo na kaagad ang preventive suspension ni Gadon na makapag-practice ng law at magtatagal ito hangga’t hindi binabaliktad ng Korte Suprema ang kautusan.
Ang video ni Atty. Gadon ay nag-viral noong December 15, 2021. Galit na galit siya sa sinabi ni Robles na isang tax evader daw ang presidential candidate na si Bongbong Marcos (BBM).
Si Gadon ay masugid na supporter ni BBM.
Kasunod niyon, nanawagan ang Foreign Correspondents’ Association of the Philippines (FOCAP) sa Korte Suprema at sa Integrated Bar of the Philippines na disiplinahin ang abogado. Ang ginawa raw nito ay hindi lang insulto kay Robles kundi sa buong legal profession din.
Ayon sa FOCAP, ang ginawa ni Gadon ay labag sa batas ng Pilipinas patungkol sa public decency, gender respect at taliwas sa core principles ng IBP.

Image from Atty. Larry Gadon
“It was utterly despicable and reflective of the belligerent impunity that independent and courageous Filipino journalists face for doing their constitutionally protected work in the country,” bahagi ng statement ng FOCAP.
“We call on the Supreme Court and the IBP to discipline this wayward member of the bar for his boorishness and clearly unbecoming conduct. It is truly unfortunate that social media sites could be wantonly used as platform to attack independent journalists in this gruesome manner,” sabi pa ng FOCAP.

Screenshot of FOCAP’s statement
Agad namang inaksyunan ng Korte Suprema ang panawagan.
May mga nauna nang disbarment complaints laban kay Atty. Gadon dahil sa kaparehong asal na kanyang ipinakita noon pa man.
Samantala, kinuwestiyon ni Atty. Gadon ang preventive suspension order laban sa kanya. Aniya, tila “politically motivated” ang ginawa ng Korte Suprema.

Image from SMNI