Isa na namang Pinay na umuwi sa bansa mula sa Amerika ang bukod sa hindi na nagpa-quarantine ay ibinida pa sa social media ang kanyang pagpapamasahe.
Sinabi ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na dinakip na ang babae na hindi pinangalanan.

Image from Inquirer
Ayon sa kalihim, sa halip na magtungo sa quarantine hotel ay dumiretso ang Pinay sa kanyang condo. Nag-post pa umano ito sa Instagram Stories na larawan ng pagpapamasahe sa loob ng sariling condo unit.
Sinabi lang umano ng babae na nag-check in siya sa hotel subalit napatunayan na hindi naman ito nag-check in sa hotel para mag-quarantine.
“She didn’t even check in a hotel, she just said that she checked in this hotel but it showed that she never even checked in a hotel, dumiretso sa condo niya,” sabi ni Sec. Romulo-Puyat.
“I don’t know bakit sila nagyayabang na nag-skip sila ng quarantine. Generation?” sambit pa ng kalihim.
Bahala na araw ang Bureau of Quarantine (BOQ) at ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa quarantine violator.
“I’ve given it already to the BOQ and the DILG and I will leave it up to them,” aniya.
Una rito, dinakip ng mga awtoridad si “Poblacion Girl” Gwynette Chua na tumakas sa kanyang quarantine hotel para makipag-party sa mga kaibigan sa Makati.
Marami sa kanyang mga kasama ang nahawa sa kanya ng covid. Maging ang ilang staff ng bar na pinuntahan ay nahawa rin sa kanya.

Image from Philnews
Ipinagmalaki umano in Poblacion Girl na may mga “connections” siya sa hotel kaya siya nakalabas kahit ipinagbabawal.
Isa sa mga kaibigan ni Poblacion Girl na kasama sa party ang lumantad at nagbigay ng pahayag.
Ang modelo at aspiring politician ng Tanauan, Batangas na si Carlos Laurel ay aminadong kasama ni Poblacion Girl sa naturang party. Nang mabalitaan daw niya na positibo sa virus si Gwynette Chua ay agad daw siyang nag-self-quarantine.
Matapos ang isang linggo ay nagpa-RT-PCR test siya at maswerteng hindi siya nahawa kay Poblacion Girl.

Image from PEP