Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga punong barangay na dakpin ang mga residenteng hindi bakunado kapag patuloy nilang susuwayin ang stay-at-home order na layong mapigilan ang paglobo pa ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.

Image from PCOO
Simula noong January 3 ay muling nagpatupad ang pamahalaan ng mahigpit na restriksyon sa buong Metro Manila at ilang karatig probinsya kung saan ang mga unvaccinated residents ay pinagbawalang lumabas ng bahay maliban na lang kung may mahalagang pupuntahan o gagawin.
Nilinaw ng Pangulo na hindi naman agad huhulihin ang mga taong hindi bakunado na lumabag sa stay-at-home order kundi pakikiusapan muna.
“Because it’s a national emergency, it is my position that we can restrain people who have not got their shots,” sabi ni Pangulong Duterte.
“I’m now giving order to the barangay captains to look for those persons who are not vaccinated and just request them or order them if you may to stay put. And if they refuse and go around the community, they can be restrained. If they refuse, then the barangay captain, being a person in authority, is empowered now to arrest the recalcitrant persons,” wika pa ng Pangulo.

Image from MindaNews
“Pakiusap lang. Eh, hindi ka nagpabakuna, then you put everybody in jeopardy. Being the President, ultimately, I am responsible for the ssafety and well-being of every Filipino, and that is why my orders are to restrain them,” aniya.
Handa raw niyang harapin at akuin ang responsibilidad sakaling siya ay idemanda dahil sa kanyang kautusan.
“Meron naman na akong kaso sa ICC (International Criminal Court), eh. ‘Di, ipatong na ninyo para isang sagutan na lang pagdating ng panahon,” aniya.
Ayon sa Department of Health (DOH), nakapagtala ang bansa ng 17,220 new infections noong Huwebes, January 6 at 21,819 new covid-19 cases ngayong Biyernes, January 7.
Mula sa mga nabanggit na kaso, sinabi ng DOH na halos 94% doon ay mild at asymptomatic.

Image from DOH