Carmina inalala ang 3 signs na hiningi para masabing si Zoren na ang 'The One'

Noong panahong nagkakamabutihan na sila ng isa sa mga kaibigan niya sa industriya na si Zoren Legaspi, humingi ang aktres na si Carmina Villarroel ng tatlong signs kung ito na nga ba ang “the one” para sa kanya.

carmina signs

Imahe mula sa Instagram account ni Carmina Villarroel

Sa isang panayam sa PEP.ph, ikinuwento ni Carmina ang tungkol sa signs na hiningi at ipinagdasal niya para malaman kung nasa tamang tao na siya.

“When we were going out, kasi lumalabas kami at walang ligawan, pero ‘di kami. Lumalabas kami minsan as a group, nagde-date kami. So, humingi ako ng sign. Tatlong sign yun, e….’Basta bigyan mo lang ako ng sign if he’s really the one,'” aniya.

“Pero yung dalawang sign, ang hiningi ko talaga, gusto ko pag sumakay ako sa pickup truck niya, sabi ko, ‘Sana kantahan niya ako ng ‘You Look Wonderful Tonight.’ So, alam naman natin lahat na ‘di siya singer, ‘di siya kumakanta. For some strange reason. Hindi ko alam, pagsakay ko sa pickup niya na color red, ‘yon ang tumutugtog dun sa car niya!” pagpapatuloy ng aktres. “Although ‘di siya radio, CD siya. Hindi ko alam kung sinadya niya ‘yon or nagkataon lang, pero kinilabutan talaga ako. ‘Oh my gosh! Tumutugtog.'”

Imahe mula sa Instagram / Carmina Villarroel

Naatatandaaan pa ni Carmina ang sumunod na pagkakataong tumama ang “sign” na hiningi niya.

“Those signs, hindi ko yun hiningi in one night, ha? ‘Basta bigyan mo lang ako ng sign if he’s really the one.’  After a while, I wasn’t sure if that was that night or ‘yung succeeding dates namin, ang hiningi kong sign, ‘Sana dalhin niya ‘yong purse or bag ko,” ani Carmina.

“Kasi nakyu-cute-an talaga ako sa guys na dinadala ‘yung bag ng girl. It’s not because it’s heavy, pero I just find it cute,” wika niya. “Imagine mo, ang laki-laki nilang tao ta’s dala-dala na bag pang-girly-girly. Wala lang.”

Pagbabahagi pa ni Carmina, hindi madali ang mga sign na hiningi niya, kaya naman ikinatuwa niya ang kinahinatnan ng mga ito.

carmina signs

Post a Comment

Previous Post Next Post