Big, Bold and Red: Netizens namangha sa kakaibang kulay ng araw

Nag-viral sa social media ang ibinahaging mga video at larawan ng namataang papalubog na araw sa Tagaytay City nitong Enero 10, 2022, bandang 5:30 ng hapon.

Nakuhanan ni Facebook user John David Fontalba ng video at larawan ang kakaibang itsura ng araw. Bilog na bilog at pulang-pula ito na tila kulay dugo.

Ayon sa uploader ng video, ngayon lamang niya nakita ang araw sa nakamamangha nitong anyo. “Look! It’s our 1st time to see the sun this big, bold, and red,” aniya.

Sino ba naman ang hindi mamamangha sa kulay pula at bilog na bilog na araw, hindi ba? ‘Ika nga, it’s not an everyday sight.

Namataan umano din ng isang netizen ang pulang araw mula sa kanilang lugar sa Boac, Marinduque.

“Gaya ng sa tagaytay, namataan din po ang “red sun” dito sa boac 5:25 po ng hapon,” ani A. Olivar.

Sa Facebook page na Go Cavite ay humakot ito ng libu-libong views at  mahigit 1k comments

Ilan sa mga netizens ang namangha sa kakaibang kulay ng araw at mayroon mga nagkomento ng kung ano ang ipinahihiwatig ng pulang kulay nito.

“Sabi ng tatay q pag ganyan daw ang kulay ng araw paglubog mainit daw kinabukasan lagi yan ang sinasabi nya tuwing ganyan ang araw kaya kinabukasan talagang ng bibilad sya ng palay kc wala dw ulan ulan yan mghapon at totoo naman talaga,” ani S. Doris.

“Yan na ang mga signs talaga nanjan sa bible yan kaya dapat mag isip kau malapit na ang pagparito ng anak ng Ama nasa wakas ng lupa na tau makinig kau Amen,” ani D. Basiuang.

Ikaw, nakakita ka na ba ng ganito?

Imahe mula sa Facebook | Alexis Olivar

May mga nagpahayag na may mga talata sa Bibliya na nagpapahiwatig ng tungkol sa pulang araw. May mga naniniwala na ang pagpapakita ng mga red sun o blood moon  ay ang katuparan ng mga propesiya sa Bibliya.

There’s a concept of “Red sky at night, shepherd’s delight,” which is an old weather saying referring to shepherds preparing for the next day’s weather through a changing sky at sunrise and sunset.

Sa mundo ngayon na maraming pagsubok nang nangyayari sa iba’t ibang bansa, isa ang global warming sa itinuturong dahilan. Ang sitwasyon ng mundo ay patuloy na nagbabago, at ang atmospera ay mas nagiging mainit.

Post a Comment

Previous Post Next Post