Marami ang napabilib sa isang laundry shop sa Agusan del Sur na nagbabalik ng mga perang naiiwan sa labada.

Imahe mula sa Facebook | Wash ME Laundromat-San Francisco
Sa isang Facebook post ay ibinahagi ng Wash ME Laundromat – San Francisco ang larawan ng mga nilabhan kalakip ang perang nakuha mula sa mga ito.
“We value integrity more than anything else,” sabi nila sa post na ngayon ay may mahigit 13k reactions at 8.3k shares na.
Dahil sa pagiging tapat ay inulan sila ng papuri mula sa mga netizen. Ang isang commenter, sinabing dapat silang tawaging “liwanag sa dilim.”
“Isa kayong bayani sa mundong karamihan ay inuuna ang sarili napakalaking inspirasyon ninyo at buong puso akong sumasaludo sa inyo, underpraise ang sabihing may integrity kayo, you guys should be called ‘liwanag sa dilim,’” sabi ni l Tris.

Imahe mula sa Facebook | Wash ME Laundromat-San Francisco
“Nakakatuwa naman po at meron pa ring mabubuting tao na matapat sa kanilang mga gawain. Hindi man ‘yan suklian ng tao pero ‘yong Diyos na higit nakakaalam ng inyong ginagawa ang Siyang magpapala po sa inyo. God bless po sa inyong business,” komento ni Va V.
Ang isang Facebook user naman, sinabing bagama’t malayo ang business kaya hindi niya ito personal na masusuportahan ay tutulungan niya ito sa pamamagitan ng pag-promote dito.

Imahe mula sa Facebook | Wash ME Laundromat-San Francisco
“Malayo kayo, but because of your integrity and great service, we will help you by recommending this. God bless you more!” sabi ni Jana E.
Samantala, nagpasalamat naman ang pamunuan ng laundry shop sa mga mensaheng natatanggap.
“From the bottom of our heart, MARAMING SALAMAT po! We received a lot of positive feedback from our simple gestures. We never thought it made an overwhelming impact on everyone. We remain faithful to GOD, to our service, and to our valued customers,” sabi nila.