Bongbong-Sara tandem gustong gawing 'Bantay Dagat' ang mga Badjao

Sakaling manalo sa darating na eleksyon ay isusulong umano nina dating Sen. Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte ang pagtatalaga sa mga Badjao bilang “Bantay Dagat.”

Naniniwala ang magka-tandem na dahil likas sa mga Badjao ang husay sa paglangoy at kaalaman sa karagatan ay magagampanan nila ang tungkulin bilang mga Bantay Dagat.

“Their heritage and culture have always been tied to the sea, and they can be an invaluable ally in our environmental protection efforts,” sabi ng UniTeam.

“Being expert fishermen, deep-sea divers, and navigators, Badjaos possess the skills to become effective ‘Bantay Dagat’ deputies.”

Paliwanag din nila, naninirahan sa mga coastal area ng Tawi Tawi, Sulu, Basilan, at ilang baybayin sa Zamboanga City ang mg Badjao ngunit dahil sa bakbakan sa Mindanao ay napilitan silang pumunta sa Maynila, Cebu, at Davao.

Nanawagan din sila sa local government units (LGUs), huwag sanang hayaan ang dinaranas na pagmamalupit sa mga Badjao na kadalasang namamalimos sa kalsada dahil Pilipino rin sila na may pantay na karapatan sa lahat.

“It is time for us to end this unwritten policy of exclusion against the Badjaos. They are Filipinos and deserve the opportunities available to everyone. They must be treated with respect and dignity and not herded like cattle every time they are apprehended. This kind of callous treatment must stop,” sabi pa nila.

Nangako rin silang bibigyan ng access sa edukasyon at kabuhayan ang mga Badjao upang matulungan silang umahon sa kahirapan.

“Like most Filipinos, they [Badjaos] too aspire for a brighter future. We see livelihood and education as the two essential elements to lift them out of poverty. We commit to giving that to them. No one will be left behind. Sama-sama tayong babangon muli, ” dagdag ng UniTeam.

Kamakailan lamang ay naglabas ang dalawa ng kanilang senatorial lineup.

BASAHIN: UniTeam ng BBM-Sara tandem, inilabas na ang kanilang senatorial lineup

 

Post a Comment

Previous Post Next Post