Sa wakas! Napagkasunduang Sisig date nina ex-PBB housemates Albie at Shanaia naganap na

Nangyari rin, sa wakas, ang napagkasunduang sisig date ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemates na sina Albie Casiño at Shanaia Gomez.

Sa Instagram, ibinahagi nina Albie at Shanaia ang isang video na kuha sa isang restawran kung saan tinatanong ng aktor ang dating housemate niya sa Bahay ni Kuya (BNK) ng, “Are you ready? Are you excited to try sisig?” Makikita naman sa mukha at kilos ng former celebrity housemate ang tuwa at excitement habang sumasagot at nakikipagkulitan sa kasama.

sisig date albie shanaia

Screenshot mula sa Instagram story ni Albie Casiño

Matagal-tagal na ring inaabangan ng mga fans ng dalawa kung kailan matutuloy ang sisig date nina Albie at Shanaia, na napagkasunduan matapos yayain ng aktor ang kanyang dating kasama sa BNK na subukan ang nasabing pagkain sa unang pagkakataon.

“Are you still down to try sisig, Shai?” tanong ni Albie kay Shanaia sa isa sa mga recent PBB Kumulitan.

sisig date albie shanaia

Bagama’t duda na magugustuhan niya ang pagkaing ito, tinanggap pa rin ng young celebrity ang imbitasyon at sinabi na tingnan na lang din nila kung masasarapan siya rito sa kabila ng pagiging “weird” ng dating nito sa kanya.

“Yeah, of course, but I don’t think I will like it but yeah, I mean, I will take your word. We’ll see, we’ll see. I don’t like the feeling of the sisig. I don’t know why, the texture is kinda weird,” aniya.

Sa kanyang Magandang Buhay guesting kamakailan, matatandaang inamin ni Albie na “attracted” siya kay Shanaia at nangako raw ito sa BNK na susubukan nitong kumain ng sisig kaya naman nilo-look forward din niya na matikman ito ng dating housemate.

sisig date albie shanaia

“Gusto ko lang matupad ‘yong promise niya na magta-try siya ng sisig. Kasi sabi niya she doesn’t like sisig. Sabi ko, ‘How can you not like sisig?’ It’s impossible, ‘di ba? Pinoy ka ba?” wika niya.

Post a Comment

Previous Post Next Post