Mga taong hindi bakunado bawal nang lumabas ng bahay

Inanunsiyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na bawal na ngayong lumabas ng kanilang tahanan ang mga taong hindi pa nakapagpapabakuna.

Sinabi ni Chairman Abalos na  inaprubahan ng Metro Manila Council, na binubuo ng lahat ng mayor sa Metro Manila, ang resolusyon na  nagsasabing bawal nang lumabas ang mga unvaccinated people sa Metro Manila.

Image from MMDA

Sa ilalim ng bagong alituntunin, ang mga hindi bakunado ay dapat manatili sa kanilang bahay maliban na lang kung bibili ng mga pangangailangan, papasok ng trabaho at iba pang mahalagang aktibidad.

Narito ang kumpletong listahan ng mga restriksyong ipatutupad para sa mga hindi bakunado:

  • Dapat manatili sa kanilang bahay maliban na lang kung bibili ng mga pangangailangan, papasok ng trabaho at iba pang mahalagang aktibidad.
  • Bawal kumain sa loob ng mga food establishments at bawal magtungo sa mga shopping malls
  • Bawal bumiyahe gamit ang public transportation – land, air and sea – maliban na lang kung bibili ng pangangailangan

Nilinaw ni Chairman Abalos na isinasapinal pa ang mga bagong patakarang ito para sa mga unvaccinated people dahil hinihikayat pa ang mga local government units na maglabas ng kanilang lokal na ordinansa para ipatupad ang patakaran.

Ang patakaran ay gagamitin din sa mga taong single dose pa lang ng COVID-19 vaccine ang nakukuha.

Image from PNA

Ang mas mahigpit na patakaran para sa mga unvaccinated ay kasunod ng pagdedeklara ng Alert Level 3 sa Metro Manila bunsod ng muling pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng covid-19 infections makalipas ang Christmas season.

Nangako naman ang Philippine National Police na paiiralin nila ang maximum tolerance at igagalang ang karapatang pantao sa pagpapatupad ng mga ordinansa mula sa mga local government units  kaugnay ng Alert Level 3 sa Metro Manila.

“Every police unit therefore must be properly oriented with the local executive orders. They may differ from one another to a certain extent according to the wisdom of the local officials, but definitely they must synchronize with the national guidelines,” pahayag ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos.

Image from PNP

 

Post a Comment

Previous Post Next Post