Masarap sa feeling kapag nagpropose sa ‘yo ang iyong minamahal at talagang pinatutunayan nito na ikaw lang ang gusto niyang makasama habang buhay at mamahalin.
Masayang ibinahagi ni Jelyn Lachica sa kanyang Facebook account ang naganap na proposal sa kanya noong Enero 5, sa Shangri-La Boracay.
“Share ko lang kung gano ka EPIC ung proposal ni Luer panoorin nyo na lang grabe sobrang nabigla ako sa nangyari, Grabe pala talaga yung pakiramdam, sobrang saya sa puso, maiiyak ka talaga pero dahil epic nga ayun naudlot,” saad ni Jelyn sa kanyang video post.

Imahe kuha mula kay Jelyn Lachica FB account
Makikita sa video na kinukunan lamang sila at masayang nagpipictorial.
Nang lumuhod bigla ang kanyang nobyong si Luer, nagulat si Jelyn at nahampas nito ang kamay ng kasintahan! Ang ending, tumalsik ang singsing!
Ayan, itigil n’yo kasi ‘yang biglaang lumuluhod kapag magpo-propose! ahaha

Imahe kuha mula kay Jelyn Lachica FB account
Sa pagkakatalsik ng singsing ay nasira ang moment ng magkasintahan. Nauwi ito sa tawanan.
Kalaunan ay nakuha naman ang tumalsik na singsing at ipinagpatuloy ng nobyo ang kanyang proposal.
Maraming netizens ang nabahala kung sumagot ang dalaga o nabusted ba ito.
Huwag mag-alala dahil happy pa rin ang ending ng proposal dahil agad namang sinagot ni Jelyn ang kanyang nobyo. “PS I SAID YES NAMAN AT NAKUHA ANG SING SING,” ani Jelyn.

Imahe mula kay Jelyn Lachica My Story FB
Nagpasalamat din si Jelyn sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila. “Special thanks Margie & Robert Paulo sa suporta.”
Marami naman ang nag-congratulate sa dalawa;
“Congrats Luer Edward Maniago Geraban natawa tuloy ako.” – Norlyn F
“Congrats mars” – Diane M
“Congrats to both of your kuya luer and ate lelyn” – Vin J
Sa ngayon ang viral na video ay mayroon nang 777 shares at 2.8K react.
Marami ang natuwa sa video na in-upload ni Jelyn na ibinalita naman ng programang Unang Hirit.
Panoorin ang epic proposal: