DOTr Asec dinepensahan ang no vaccine, no ride policy

Ipinagtanggol ng isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) ang “no vaccine, no ride” policy na paiiralin sa Metro Manila bilang solusyon sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Imahe mula sa Facebook | Goddes Hope Libiran

Marami ang bumabatikos sa panukalang ito na tinawag nilang “anti poor.” Ngunit para kay DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, mas maituturing na anti poor kung hahayaang manghawa at mahawa ang mga hindi pa bakunado.

“Mas anti poor at ANTI-LIFE kung mahahawa at makakahawa ang ating mga kababayan dahil sila ay hindi bakunado. Severe COVID infections caused by non-vaccination result to undue burden on our health care system,” ani Libiran sa isang pahayag.

Iniiwasan din daw nilang tamaan ng COVID-19 ang mga hindi pa bakunado dahil may tsansang makaranas sila ng mas malalang sintomas.

Imahe mula sa Facebook | Goddes Hope Libiran

“Kung makahawa ang bakunado ng hindi bakunado, dehado ang hindi bakunado, dahil mas mataas ang chance na makakuha sila ng mas malalang kaso ng COVID-19.”

Ayaw rin daw nilang mahawaan ng virus ang mga nasa transportation sector dahil malaki ang magiging epekto nito sa publiko.

“We want to prevent a repeat of the public transport shutdown, like what happened in MRT, LRT and PNR in the past, as most front-facing passengers were infected with the virus. We are doing everything we can to maintain and keep our public transport operations safe and running,” paliwanag niya.

Imahe mula sa Facebook | Goddes Hope Libiran

Samantala, exempted naman mula sa no vaccination, no ride policy ang mga hindi bakunado dahil sa kanilang medical condition. Kailangan lamang nilang magpakita ng medical certificate na may pangalan, contact number, at pirma ng kanilang doktor.

Exempted din ang mga kailangang lumabas para bumili ng essential goods.

Umabot na sa 208,164 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health ng 32,246 bagong kaso nitong January 12.

Post a Comment

Previous Post Next Post