Very proud daddy ang dating PBA superstar na si Doug Kramer para sa anak niyang si Kendra na lumalaking napakaganda.
Sa Instagram ay nagbahagi ang dating professional basketball player ng litrato ng 12-anyos na si Kendra na suot ang itim na pang-itaas habang nakatitig ito sa camera.

Image from Instagram
“No one in this world can love you more than me. I love you,” post ni Doug patungkol sa panganay na anak.
“Thank you daddy,” komento ni Kendra sa post ng daddy niya na sinamahan pa ng tatlong heart emojis.
Ayon kay Doug, ang glam team na nag-ayos at kumuha ng litrato sa kanyang anak ay sina Jerick Sanchez, Rainier Dagala, Em Millan, JayWeeHair at Denise Ochoa.
Nag-post din si Kendra ng larawan niya sa sariling Instagram account, na tulad ng post ng ama ay humakot agad ng maraming komento mula sa mga humanga sa taglay niyang kagandahan na tila isang supermodel sa kanyang mga pose.
“Did someone say pose?” ang caption ni Kendra sa post niya ng larawan na nakatalukbong sa buong ulo ang white fur na lalong nagpatingkad sa kanyang mestiza features.
“Oh myyy. So effortless Ken.”
“Guys, my bestie’s a supermodel.”
“Ang Ganda. Iba talaga.”

Image from Instagram
“My baby Kenny, you are so lovely.”
“Woooow. OMG! Ang Gandaaaa.”
May ilan naman na nagkumpara kay Kendra sa Miss Universe 2018 na si Catriona Grey. Magkahawig daw ang dalawa. Si Kendra raw ang batang bersyon ni Catriona kaya ngayon pa lang ay may mga humuhula na si Kendra ay isang future Miss Universe.
Nakuha raw ng dalaginding ang taglay na kagandahan mula sa kanyang ama at ina.
“Little Catriona Gray.”
“Young Catriona indeed.”
“Next Catriona pang beauty queen. Like mother and father. Such a beautiful daughter po God bless you and your family. Stay safe po.”
Bukod kay Kendra, si Doug at Cheska Kramer ay may dalawa pang anak, sina Scarlet at Gavin.

Image from Instagram