Piolo sa mga litrato nila ni Shaina: What you see is what you get

Kasabay ng pagkalat ng mga litrato mula sa isang animo’y beach trip nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao, nagsimula na namang magtanong ang social media users tungkol sa kanilang tunay na ugnayan.

Sa ulat ng ABS-CBN, ibinahagi ang reaksyon ni Piolo tungkol sa mga larawan nila ni Shaina.

“I think things got a little out of hand because of some photos that went around,” pahayag ng aktor matapos makapanayam sa isang event na dinaluhan niya kamakailan.

piolo shaina

Aniya, wala na rin namang bago sa katanungan sa kanila ng publiko at mas mainam na hindi na lamang pag-usapan pa. What you see is what you get, kumbaga.

“It’s just the same. I guess it’s better not to talk about it. Let it just die down because it’s been how many years, and we always say the same thing, anyway. So, I guess, for now, wala, wala na…’yon na iyon. What you see is what you get, as simple as that,” saad niya.

Magugunita na kumalat ang kanilang mga litrato kamakailan na kuha sa isang resort sa Bohol, kung saan ay kasama pa nila ang magkasintahang sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago.

piolo shaina

Sa isang panayam noong 2017, sinabi ni Piolo na exclusively dating silang dalawa ni Shaina, ngunit, sa isang hiwalay na panayam, bagama’t inamin ng aktres ang “genuine presence” sa buhay niya ng actor ay tiniyak niya na wala silang commitment sa isa’t isa.

“We have become very special to each other, even his whole family has become dear to me. Just for the record, he is free to date anyone he wants, the same way I’m free to date anyone I want. Nagkataon lang siguro na we’re both not dating other people kaya nagka-exclusively dating label,” aniya.

“But I appreciate how he has been consistent that he’s not seeing anyone else but me. To be honest, Piolo has been very present in my life lately. But again since nagkakaedad na and we don’t take commitment lightly, I pray that my next one would be the right one. So it’s too soon to label things officially,” dagdag pa niya. “I’m just thankful for his genuine presence in my life right now.”

Noong 2018, nilinaw din ni Piolo na bagama’t malapit sila sa isa’t isa at lumalabas tuwing maaari ay hindi masasabing “dating” silang dalawa.

piolo shaina

Post a Comment

Previous Post Next Post