Inamin ni Kris Aquino na malayo pa sa pagiging ‘okay’ ang kondisyon ng kaniyang kalusugan at medyo mahaba-haba ang kaniyang laban para manumbalik sa dating pangangatawan.
Gayun paman, nangako ang tinaguriang Queen of All Media na patuloy siyang magpapaabot ng tulong at tutupad sa kaniyang mga ipinangako.
“Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa,” ani Kris sa kaniyang pinakahuling Instagram post.

Screenshot mula sa Instagram| Kris Aquino
Simple lamang umano ang dahilan kaya niya ginagawa ang pagtulong dahil hindi rin sila iniwan ng kanilang mga tagasuporta noong sila naman ang nangangailangan ng tulong.
“I am just reciprocating in the way i am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS, COMPASSION, and LOYALTY many Filipinos have giveb me and my family, especially now that many need assistance,” paglalahad ng actress/host.
“Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag January 25, birthday in heaven ng mom ko,” ayon pa dito.

Screenshot mula sa Instagram| Kris Aquino
Dagdag pa ni Kris, na hindi itinangging may iniinda siyang mabigat na karamdaman, malayo pa ang kaniyang ‘laban’ para muling maging normal ang kalusugan.
“Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart… BUT from childhood i already knew, for me weakness could never be an option,” patuloy ng bunsong kapatid ng mga Aquino.
Kailangan umano niyang patuloy na lumaban para sa kaniyang dalawang pinakamamahal na anak na sina Josh at Bimby.

Screenshot mula sa Instagram| Kris Aquino
Wika niya, “Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko.”
Kamakailan lamang ay naging laman din ng balita si Kris Aquino dahil sa hindi inaasahang paghihiwalay nila ng kaniyang dating fiancé na si Interior Secretary Mel Sarmiento.
Ang itinuturong dahilan ng breakup ng dalawa matapos ang dalawang buwang engagement ay dahil rin sa isyu ng maselang kalusugan ni Kris.
Basahim: Post ni Kris Aquino sa kinahinatnan ng relasyon inulan ng messages of love and suppport