Gigi De Lana muli na namang bumirit nang pinagtripan ng mga ka-banda

Ang aktres, dancer, commercial model at singer-songwriter na si Gigi De Lana ay muli na namang pinagtripan ng kanyang mga ka-banda sa kanilang gig na ‘Gigi De Lana and The Gigi Vibes’ na mapapanood nang live tuwing Miyerkules at Sabado, 9;00pm.

Ipinamalas na naman ng mang-aawit ang kanyang galing sa pagkanta at pagbirit na tinataasan naman ng mga ka-banda ang pitch at walang arteng sinasabayan naman ng singer.

Kinanta niya ang ‘I’ll never love this way again’ na pagdating sa chorus ay inuulit-ulit hanggang sa tumaas nang tumaas ang tono nito at pinipilit naman talagang abutin ito! Grabe ang galing talaga ni Gigi!

“Kaya pa? kaya pa?” ang tanong ng mga kabanda ni Gigi habang pataas na rin nang pataas ang pagbirit at pag-abot ng nota.

Mapapansin ding pinupulsuhan ni Gigi ang sarili gayung talaga namang ‘lampas sikanplor version’ na raw ang ginagawa niyang pagbirit.

At sa ika-anim na pagtaas ng nota, nagbiro pa rin ang kanyang mga kasama at sinabing “isa pa, isa pa” na tila naging challenge na nila sa singer.

Ibang klase talaga, nakaupo man o nakatayo ay napakagaling bumirit at masarap pa ring pakinggan ang pagkanta nito.

“‘Di na po ako makapagsalita, tapusin na natin to,” pabirong sabi ni Gigi na sinundan naman ng panawagan ng kanyang mga kasama sa ambulansya.

“Nananawagan po kami sa mga ambulansya diyan, may shoutout kayo kung sino mauna.” 

Wow na wow talaga, mapapa-sana all ka na lang sa kanyang galing sa pag-awit!

Matatandaan na pinagtripan din noon ng mga ka-banda ang singer na inawit naman ang kantang ‘Bakit nga ba mahal kita’ na nagviral naman sa social media.

Simula nang magpandemya, naging aktibo si Gigi sa online gig nila ng kanyang banda sa YouTube channel nilang ‘Gigi De Lana and the Gigi Vibes.’

Kamakailan ay umabot na sa 600,000 subcribers  ang kanilang Youtube channel. “This milestone made us SIX-cited for many more! Thank you to our 600,000 YouTube subscribers!” saad sa Fb page nito.

Si Gigi De Lana ay unang nakilala bilang si Mary Gidget Dela Llana na sumikat nang siya’y sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Bukod sa pagiging singer, isa ring aktres si Gigi at bumida na sa TV series romcom na “Hello, Heart” kasama ang aktor na si Gerald Anderson na mapapanood naman sa iQIYI.

Post a Comment

Previous Post Next Post