Mensahe ng pagmamahal at panalangin bumuhos para sa late comedian na si Don Pepot

Isa sa mga popular na komedyante ng kanyang panahon, ilang henerasyon ng mga Pinoy ang pinasaya at pinatawa ng aktor na si Ernesto Fajardo o mas kilala sa tawag na “Don Pepot”. At ngayong tuluyan nang namaalam ang beteranong artista sa edad na 88, bumuhos ang mga mensahe ng pagmamahal at panalangin para sa kanya.

Sa Facebook, ibinahagi ng anak ni Don Pepot na si Michael Fajardo ang malungkot na balita na sumakabilang-buhay na ang kanyang ama matapos itong bumigay sa acute respiratory failure bunsod ng COVID-19.

don pepot

Dito, nagsimula nang magbalik-tanaw ang marami sa mga papel na ginampanan ng iconic Pinoy comedian at sa mga makukulay na alaalang dinala nito sa Philippine television and cinema. Sa bawat pangungusap, makikita kung gaano kalaki ang iniwang marka ng artista na pinasaya ang mga manonood simula noong 1960s hanggang sa huling proyekto niya noong 2012 na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako.

don pepot

“Rest in peace, Don Pepot. You will always be remembered. Thank you for bringing laughter to our homes. Regards to our loved ones in heaven,” saad ng Twitter user na si @waterdripper.

“Makes you think, 80s to 90s kids are lucky we lived in an era of slapstick Pinoy comedy. And it’s also sad we’re also seeing it fade away before our eyes. Rest in power, Don Pepot,” tweet ni @monotonedmika.

Ilan sa mga pelikulang kinabilangan niya ay ang John & Marsha ’85, Shake Rattle & Roll V, Oki Doki Doc: The Movie, at S2pid Luv.

Noong 2005, tinanggap niya ang FAMAS Lou Salvador Sr. Memorial Award bilang parangal sa naging kontribusyon niya nang ilang dekada sa industriya. Noong 2018 naman, pinarangalan sa Puso ng Saya Awards ng GMA-7 show na Sunday Pinasaya ang beteranong komedyante, kung saan muli siyang lumabas sa telebisyon at kahit saglit lamang ay nakapagdala ulit ng tuwa at halakhak sa mga manonood.

don pepot

Post a Comment

Previous Post Next Post