Ilang nadawit sa kaso ni Christine Dacera, binalikan ang mga pinagdaanan

Isang taon matapos ang kontrobersyal na pagyao ng flight attendant na si Christine Dacera, binalikan ng kaniyang mga kaibigan na nasangkot sa kasong ito ang kanilang mga pinagdaanan.

Imahe mula sa Instagram | Christine Dacera

Sa isang panayam sa vlog ng talk show host na si Boy Abunda ay inamin nina Gigo De Guzman, JP Dela Serna, Clark Rapinan, Valentine Rosales, at Rommel Galido na hanggang ngayon ay sinusubukan nilang magpatuloy sa kanilang buhay.

Anila, labis na naapektuhan ang kanilang buhay matapos ang kanilang party noong Enero 1, 2021. 

Si Gigo, ang anak ng pumanaw na singer na si Claire dela Fuente, sinabing hirap pa rin siyang tanggapin ang mga nangyari lalo na at maraming nawala sa kaniya.

“I lost a lot. I lost my mom. Financially, me and my brother are not well-off anymore. We are thankful that we can eat every day,” pagbabahagi ni Gigo.

“But we lost a lot financially and I tried to look for a job. 200 applications – 100 rejections, 100 no replies and it just took my friend to give me a job so that I could earn something,” pagbabahagi niya.

Imahe mula sa Instagram | Gigo de Guzman

Pumanaw rin ang ama ni Valentine na nakatampuhan niya nang mapaamin siya sa kaniyang gender preference sa kasagsagan ng Dacera case.

“Just this May 13, my dad passed away. When I went to the hospital, they were trying to revive him… tapos nung pumunta ako dun, lifeless na po siya. Natatakot akong i-hug siya or what kasi feeling ko galit pa rin siya sa akin pero nag-apologize ako sa kaniya,” sabi naman ni Valentine.

“I cried because ‘di kami nakapag-ayos. The last time I spoke to him was I told him na I was gay. Our last conversation was hindi maganda.”

Samantala, si JP naman ay ibinahaging labis na naapektuhan ng pangyayari ang kaniyang ina. “Umiiyak ‘yong mom ko because I was accused of something that I didn’t do, dun talaga ako sobrang nadudurog. Kaya kong nakikitang nagagalit ‘yong mommy ko pero wag mong paiiyakin sa harap ko ‘yong mommy ko kasi lalaban talaga ako,” aniya.

Imahe mula sa Instagram | Valentine Rosales

Pagbabahagi naman ni Clark, kahit masaya siya kapag kasama ang mga kaibigan ay madalas pa rin niyang naiisip ang mga nangyari.

“I may appear to be okay all the time. Lumalabas ako with friends kasi ‘yon ‘yong time na nakapag-open up ako sa kanila ng problem ko,” sabi niya.

“May fragments pa rin minsan bigla kong naalala. There are times na nag-regret ako pero in-accept ko naman na things happen for a reason.”

Samantala, si Rommel naman, sinabi na matapos ang lahat ng pinagdaanan ay nagsisisi siyang pumunta siya sa party. Sa kabila nito ay tiyak siyang malalagpasan nila ito dahil inosente silang lahat.

“We are all innocent. Wala dapat magsisihan sa nangyari. Walang may gusto sa nangyari na ‘to and sana since Christmas naman, magpatawaran na lang ‘yong both parties kung maaari. Kasi nakakapagod na rin,” aniya.

Panoorin dito ang buong panayam.

Post a Comment

Previous Post Next Post