Jericho Rosales, naghugas lang ng plato nag-viral agad

Iba talaga ang isang Jericho Rosales. Matindi ang dating sa mga fans. Nag-share lang ng video ng paghuhugas niya ng plato, nag-viral agad.

Mahigit 735,000 na ang views ng video na ishinare niya sa kanyang Instagram account noong Huwebes lang, ika-6 ng Enero. May mahigit 106,000 likes na iyon at libo-libo ang mga followers na nagbigay ng komento ng paghanga sa kanya.

Makikitang tumagay muna siya ng wine bago simulan ang paghuhugas. Paindak-indak pa siya habang tila enjoy na enjoy sa ginagawang pagkuskos ng sabon sa plato, baso at iba pa.

Screenshot from Jericho Rosales’ video

Sabi niya sa caption, ang misis raw niya ang nagluluto at ang paghuhugas ng pinggan ang nakatoka sa kanya.

“She makes the meals, I wash the dishes. Covid cases going up, we stay home. #gabinanaman,” sabi ni Echo sa post niya.

Narito ang ilan sa mga comments ng showbiz friends niya at mga followers sa social media:

Can relate. My wife and I are currently in our Day 5 of isolation. Get well, you two!

 Pangarap ko talaga maging pinggan

 Kapag ganyan naman ang sink ko, ok lang sa akin kahit ako na magluto at maghugas.”

 “Hahahah sana lahat ng naghuhugas ng pinggan, ganyan hahaha.”

”’Yung naghuhugas lang sya ng pinggan pero bakit ang gwapo?!

  ”Pumapayag na po ako na maging gripo mahawakan mo lang ako.”

 Pagka ganire ang maghuhugas ng pinggan ay kahit naman ako’y maghapong nakatulala ay ayos laang.”

Screenshot from Jericho Rosales’ video

 Si Jericho Rosales ay nagsimula sa kanyang  local showbiz career matapos niyang manalo sa Mr. Pogi talent search sa noontime TV show na Eat Bulaga noong 1996.

Marami nang natanggap na nominasyon at awards ang aktor mula sa iba’t ibang award-giving bodies sa bansa.

Nakilala rin siya sa ibang bansa tulad ng Peru, Malaysia, China, Ghana, Cambodia, Colombia at iba pa matapos ilabas doon ang ilang soap opera TV series na pinagbidahan niya.

Image from Jericho Rosales

Post a Comment

Previous Post Next Post