Kandidato, napaiyak dahil siya lang ang bumoto sa sarili kahit registered voters ang pamilya

Ano kaya ang mararamdaman ng isang kandidato kung walang bumoto sa kanya kahit isang kamag-anak, kahit ‘yung asawa niya?

Sa India, isang kandidato mula sa Chharwala village sa Vapi District ng Gujarat ang nakatanggap ng iisang boto sa ginanap na eleksyon para sa posisyon ng Sarpanch. Ang Sarpanch ay ang decision-maker umano ng isang village (parang barangay captain sa Pilipinas).

Image from India Today

Kinilala ang kandidato na si Santosh Halpati. Ang nag-iisang bumoto sa kanya ay ang sarili niya.

Ang pagkatalo sa eleksyon ay mas naging kahiya-hiya para kay Halpati dahil mayroon siyang isandosenang kamag-anak na registered voter sa village nila. Inaasahan niya na kahit papaano ay may makukuha siyang boto mula sa asawa at iba pang mga kaanak.

Subalit nang matapos na ang vote counting ay nanlumo siya sa resulta. Wala kahit isang kaanak niya ang bumoto sa kanya bilang bagong Sarpanch ng kanilang lugar.

Napaiyak na lang si Halpati sa loob ng counting center dahil sa sinapit ng kandidatura niya.

Hindi daw siya nalungkot dahil natalo sa eleksyon. Ang masakit daw ay wala sa isandosenang kamag-anak ang nagtiwala sa kanya.

“Elections come and go. But I got just one vote… even my family did not vote for me,” himutok si Santosh Halpati.

Image from India Today

Samantala, dito sa Pilipinas ay ramdam na rin ang election fever para sa National and Local Elections na gaganapin sa darating na buwan ng Mayo.

Patuloy na namamayagpag sa mga survey si Bongbong Marcos (BBM) sa pagka-presidente. Ito ay sa kabila ng mga disqualification petitions na inihain sa Commission on Elections kontra sa kanya.

Nangunguna rin sa survey ang ka-tandem niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang bise presidente.

Kamakailan lang isang grupo ng mga supporters ni Mayor Sara ang nagsusulong ng “ISSA” (Isko-Sara) tandem na humihimok sa kanya na suportahan ang kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno sa halip na si BBM.

Ngunit nanindigan si Mayor Sara sa kanyang desisyon na samahan si BBM hanggang sa araw ng eleksyon.

Image from BBM

Post a Comment

Previous Post Next Post