Magpabakuna na: Vaccination pinasimple ng pamahalaan

Sa gitna ng pakikibaka ng bansa sa malaking surge ng novel coronavirus na dala ng omicron variant ay pinasimple ng pamahalaan ang mga patakaran sa pagpapabakuna kontra sa nabanggit na virus.

Kung noon ay kailangan pang magparehistro sa barangay o sa munisipyo para sa pagpapa-schedule ng bakuna, ngayon ay maaari na ang walk-in sa mga vaccination sites. Ito ay dahil na rin sa sapat na supply ng anti-COVID-19 vaccines.

Image from PNA

“May mga bakuna, mas maluwag na po ang requirements para dito, kaya ‘wag na po tayong magdalawang-isip, magpabakuna na po tayo,” panghihikayat ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles sa publiko.

“Walk-ins are now allowed at inoculation sites,” aniya.

Maging ang health screenings ay niluwagan na rin. Kung dati ay kinakailangang dumaan ang lahat sa pag-monitor ng blood pressure, ngayon ay ibabase na lang sa nararamdaman ng magpapabakuna at  sa clinical judgment ng doktor sa vaccination site.

Hindi na rin, aniya, hahanapan ng medical clearance at certification bago mabakunahan.

“Hindi na rin po kailangan bilang health screening ang pag-monitor sa blood pressure, unless ang babakunahan ay may history ng hypertension o may sintomas ng hypertension at iba pang konsiderasyon na nakabase sa clinical judgement ng doktor sa vaccination site. Hindi na rin kayo hihingan ng medical clearance at certification para mabakunahan,” ani Sec. Nograles.

Sec. Nograles| Imahe mula sa RTVM Facebook

Required lang daw ang mga nabanggit na dokumento sa mga  indibidwal na mayroong autoimmune disease, HIV, at cancer, o kung ang pasyente ay bedridden, sumailalim sa transplant, o binibigyan ng steroid treatments.

Paghihimok pa ni Sec. Nograles, dapat magpabakuna na ang lahat upang matulungan ang sarili at ang mga healthcare frontliners.

“Luluwag ang ating mga ospital at dadami ang mga bakanteng kama kung marami ang protektado sa malubhang sakit dala ng COVID-19. Let’s help our frontliners and let’s help ourselves by getting vaccinated,” sabi pa ni Sec. Nograles.

Image from Ibon Foundation

Post a Comment

Previous Post Next Post