Dati mang pinagsabihan noon si Nadine Lustre dahil sa pagsusuot mga seksing damit, natutuwa naman ngayon si Cristy Fermin matapos isapubliko na ng aktres ang kanilang relasyon ng rumoured boyfriend nito na si Christophe Bariou.
Sa pinakahuling episode ng ‘Cristy Ferminute’, ibinahagi ng showbiz writer na may naririnig siyang kuwneto noon tungkol sa relasyong Nadine Lustre-James Reid.

Sa pagkakataong ito umano ay deserve na ring maging maligaya ni Nadine sa kaniyang bagong kasintahan.
“Ako masaya ako para kay Nadine. Unang-una she deserves to be happy,” ani Cristy.
Kung paniniwalaan umano niya ang mga kuwento noon ng mga malalapit sa dating magkarelasyon, lumalabas na parang namamalimos daw ng awa ang babae sa kaniyang boyfriend.

“Masyado siyang kawawa. Dapat reciprocal ang pagmamahalan pero siya iniiwan-iwanan. Nakikisama sa mga barkada iiwan si Nadine. Si Nadine naman gagawin lahat ng paraan para lang ma-win back si James,” kuwento ni Nanay Cristy.
“Kawawa, kawawa. It’s about time na lumigaya na si Nadine Lustre dahil mapagmahal din siya at marunong mag-alaga ng kaniyang karelasyon,” dagdag pa nito.
Magkaiba man umano sila ng lahi ni Christophe, hindi naman daw ang nasyonalidad, kung hindi ang puso, ang siyang nagdidikta kung magtatagal ba o hindi ang isang relasyon.
BASAHIN: JaDine fans halo-halo ang reaksyon sa pagiging ‘IG official’ nina Nadine at Christophe

Muling binanggit ng entertainment writer na batay sa naririnig niyang mga kuwento noon, talaga raw nakakaawa si Nadine at nagmumukha na itong ‘trying hard’.
“Itong ganitong klaseng babae, gagawin mong trying hard? May napatunayan na rin naman si Nadine, ‘di ba?” wika pa ni Cristy. “Tapos gagawing kawawa nung lalaki? Ano, feeling ni James Reid siya ang pinakaguwapong lalaki sa balat ng lupa?”

Maliban dito, inilagay pa raw sa alanganin ni James si Nadine noon kahit matagal silang nagkahiwalay. Nauwi pa nga raw ito sa demandahan ng Viva laban sa aktres.
“O, pagkatapos nun, gugustuhin mo pa ba yung lalaki na para kang nagmamakaawa, namamalimos ng pagmamahal? Hindi na, ‘di ba?” ayon pa kay Nanay Cristy.
Panoorin ang buong vlog ng Cristy Ferminute:
