MrBeast: Ang highest-paid YouTuber na kumita ng P2.7 billion noong 2021

Naglabas ang Forbes ng listahan ng sampung YouTube content creators na may pinakamalalaking kinita noong nakaraang taon.

Kung susumahin ang kinita ng Top 10 YouTubers sa taong 2021 ay umabot iyon sa mahigit $300 million o katumbas ng humigit-kumulang P15.4 billion. Mas mataas daw iyon ng 40% kumpara noong 2019.

Ang kalahati umano ng kinikita ng mga YouTubers na ito ay mula sa ad revenue. May sarili na rin silang branded product lines kaya lalong lumalaki ang kita nila. Bukod sa YouTube, may karagdagang income din ang mga content creators na ito sa Twitch, Snap, Facebook, podcasts at NFT o non-fungible token.

Nanguna sa listahan si MrBeast na kumita ng $54 million o katumbas ng more or less P2.7 billion. Siya ang bagong number one YouTuber. Dinaig niya ang batang si Ryan Kaji na dalawang taon ding hinawakan ang korona bilang highest-paid YouTuber dahil sa kanyang toy unboxing, na ngayon ay 7th placer na lang.

Si MrBeast – o Jimmy Donaldson – ay magaling sa paggawa ng sari-saring stunts na kinagigiliwan ng mga viewers. Noong nakaraang taon, inilibing siya nang buhay sa loob ng 50 oras. Nag-alok din siya ng premyong $10,000 sa sinumang mauupo sa loob ng isang bathtub na puno ng mga ahas.

Siya rin ‘yung gumawa ng replica ng set ng Squid Game, ang korean series film na popular sa Netlix. Nagbigay siya ng premyong $456K sa winner ng recreated show.

Sa laki ng kinita ni Mr. Beast ay maihahanay na siya bilang isa sa world’s highest-paid entertainers.

“Mr. Beast leads our latest list of the top-earning YouTubers for the first time and likely earns himself a spot among the world’s highest-paid entertainers. In fact, his $54 million payday would have put him in the Top 40 of our last Celebrity 100, a ranking of the top-paid stars across all of entertainment, above folks like Billie Eilish, Kim Kardashian, Angelina Jolie and even BTS,” pahayag ng Forbes.

Narito ang bumubuo ng Top 10 YouTubers:

1. MrBeast ($54M)

2. Jake Paul ($45M)

3. Markiplier ($38M)

4. Rhett and Link ($30M)

5. Unspeakable ($28.5M)

6. Nastya ($28M)

7. Ryan Kaji ($27)

8. Dude Perfect ($20M)

9. Logan Paul ($18M)

10. Preston Arsement ($16M)

Post a Comment

Previous Post Next Post