Nagtatago nga ba ang aktor na si Enchong Dee kaugnay ng kinasangkutang isyu na nag-ugat mula sa kanyang mapanirang post sa social media laban kay Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) Representative Claudine Bautista-Lim?

Composite photos og Rep. Claudine Bautista-Lim and Enchong Dee
Ito ang katanungan ng marami matapos lumabas ang balita na nabigo ang mga alagad ng batas na isilbi ang mandamiento de arresto para sa kanya na inisyu ng Davao Occidental Regional Trial Court dahil hindi siya natagpuan sa kanyang address sa Cubao, Quezon City.
“The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise,” ang post noon ng aktor sa Twitter na sanhi ng pagsasampa ng asunto sa kanya ng mambabatas.
Kasamang inireklamo ni Rep. Bautista-Lim sina Agot Isidro, Pokwang at Ogie Diaz subalit na-dismiss ang reklamo sa tatlo dahil sa kawalan ng sapat na batayan.
Napag-usapan sa programang Cristy Ferminute ang diumano’y “pagtatago” ni Enchong Dee.
Ayon kay Cristy Fermin, maaaring hindi naman nagtatago sa batas ang aktor dahil sa kanyang pagkakaalam, ang address na pinuntahan ng mga alagad ng batas na magse-serve ng warrant of arrest ay isang paupahang dormitoryo o boarding house na pag-aari ni Enchong Dee.
Nabanggit umano ng mga kapitbahay ng boarding house sa mga pulis na matagal na ring hindi dumadalaw si Enchong sa naturang dormitoryo.

Image from Enchong Dee’s video
May payo naman si Cristy sa aktor kung ano ang nararapat nitong gawin hinggil sa kasong kinahaharap.
Bilang naharap na rin sa mga asuntong libel, sinabi ni Cristy Fermin kung ano ang dapat gawin kapag inisyuhan ng warrant.
“Nag-prosper po ’yung kaso sa piskalya at ngayon po ay mayroon na itong titulong People of the Philippines versus Ernest Lorenzo Velasquez Dee a.k.a. Enchong Dee. Ang pinakamagandang magagawa rito ni Enchong Dee ay ang voluntary surrender. Doon po siya pupunta sa judge na nag-issue ng warrant of arrest. Doon po sa sala na ’yun ay pupuwede siyang maglagak ng piyansa. Hindi po pupuwedeng pagtaguan ito dahil lahat po ng sangay ng kapulisan ay pinadadalhan (ng kopya ng warrant).”

Image from Enchong Dee’s video