Lolo Nardo binigyan ng negosyo ni Wendell Ramos

Binigyan ng aktor na si Wendell Ramos ng negosyo ang 80 anyos na lolo sa Asingan, Pangasinan na inaresto dahil sa diumano’y pangunguha ng 10 kilong mangga.

Sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi ni Wendell ang mga larawan nang i-turn over nila ang bagong negosyo ni lolo Narding Floro na nakalaya matapos magbayad ng piyansang nagkakahalaga ng P6,000 sa tulong ng mga donasyon.

“Mission accomplished! Lolo Nardo’s dagdag kabuhayan, munting mga regalo at negosyo mula po sa amin ng @ifranchise.bscap, @ofwfamilyclub, at @wendeli_meathouse,” aniya.

Nagpasalamat din siya sa mga sumusuporta sa kaniyang negosyo na siyang dahilan daw kaya nakapag-abot sila ng tulong kay Lolo Narding.

“Kami po ay nagpapasalamat sa DIYOS AMA, unang una sa lahat. At sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagtatangkilik sa aming mga negosyo. Kayo po ang dahilan kaya nagagawa namin ang patuloy na balik-tanaw para sa mga kapwa natin katulad po ni LOLO NARDO,” sabi pa ng aktor.

Matatandaang umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang balitang ito na unang ibinahagi ng PIO Asingan. Marami rin ang nais magpaabot ng tulong para kay lolo.

[RELATED: 80-anyos na lolong nakasuhan dahil sa mga pinitas na mangga, nakalaya na]

Paliwanag noon ni Lolo Narding, gusto niya sanang makipagkasundo na lang sa nagreklamo ngunit hindi umano ito pumayag.

“Ang gusto ko sana, makipagsundo, maliit lang naman kasi na bagay. Noong ibibigay ko ‘yong bayad ayaw nilang tanggapin. Ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo,” kuwento niya.

Samanta, sa isang pahayag ay sinabi ng Commission on Human Rights (CHR) na umaasa silang iaatras ang kaso laban kay Lolo Narding.

“Cognizant of the costly and protracted nature of litigation, the Commission on Human Rights hopes that alternative means to settle the dispute be explored, an amicable agreement be reached, and possibly a desistance of the charge filed given the circumstances of the complaint and condition of the accused.”

Post a Comment

Previous Post Next Post