Marami sa atin ang mas gustong magtrabaho sa bahay o mag-work from home (WFH) lalo na ngayong may pandemic. Mas gugustuhin na lang natin ang pumirmi sa bahay para makaiwas sa infection at ‘di rin mapahamak ang ating pamilya laban sa kumakalat na virus ngayon.
Pero minsan ay nakauumay rin naman talaga ang laging nasa bahay lalo na’t kapag day off ay nasa bahay pa rin. Hahanap-hanapin mo rin ang makalabas paminsan-minsan kasama ng pamilya at mga kaibigan.

Paano naman kung nakabakasyon ka?
When travel is life but work is lifer! Work is lifer nga ba kahit nakabakasyon ka?
Kahit nasa bakasyon at nagpa-parasailing sa Boracay, isang lalaki ang makikitang abalang-abala sa kanyang laptop at tila trabaho pa rin ang inaatupag habang nasa ere. ‘Yan si Deven Poria, taga Davao Oriental.
“Di kasi nag-file ng leave sa boss ko tapos ‘yung orders ng mga clients, nire-relay ko lang sa staff para magawan ng quote, eh baka mapaghalataan ako na puro ako relay di naman gumagawa ng quote para sa client,” ani Deven sa ibinahaging post ng ABS CBN.

Si Deven ay isang sales executive na nagtatrabaho sa computer/network supplies company sa Taytay, Rizal at dahil nasa sales, hindi ito basta-basta makakapag-leave. Hindi siguro ito tulad ng mga 8-to-5 na office work na pag uwian na ay tapos na ang work for the day.

Ayun, gumawa ng paraan si Deven para makasama sa outing ng pamilya; nagtatrabaho habang nagbabakasyon. O ‘di ba? Tuloy lang ang trabaho.
Buti na lang, natuwa ang kaniyang boss sa video na in-upload niya sa social media. .

“Imbis ma-badtrip natawa na lang siya, ’yun safe sa work haha,” wika ni Deven. Pero paliwanag niya, nakatuwaan lang nila ang pakulo na ito. Kaya pakiusap, ‘wag seryosohin. Pero true naman na may perks talaga sa ibang WFH; puwedeng gumala sabay work.
May mga naaliw namang netizens at nagkomento pa sa video post niya.
“Work could have been done on ground. Sayang ang chance na makita ang kagandahan ng karagatan habang nasa taas. Pero nakakahanga ang pagka-responsible niya. “
“Employee of the year.”
“That’s fine as long as your sales and all others contribute to employment .”
“Ang sakit siguro pag biglang nahulog yung laptop.”
“Kailangan niya daw bawiin lahat ng gastos niya sa boracay.”
“Work from Heaven.”
Ikaw ano’ng kuwentong workcation mo?