Moira Dela Torre, mas naaliw sa tupa kaysa sa kasal ni Morisette, Dave

Si Moira Dela Torre at ang kanyang asawang si Jason Marvin ay kabilang sa listahan ng mga celebrity na dumalo sa kasal nina Morissette Amon at Dave Lamar na ginanap sa  ‘The Old Grove Farmstead’ sa Batangas.

Maraming naaliw sa isang larawan na kuha sa kasal. Naispatan kasi si Moira na sa halip na sa newly weds nakatuon ay nasa mga tupa ang atensyon nito na tila aliw na aliw sa mga hayop habang pumapalakpak.

“Moira niyo aliw na aliw sa mga tupa,” biro ng Best of Moira Facebook page.

 

Maraming fans ang natawa sa reaksyon ni Moira at nagkomento pa ang mga ito,

“Moira is a certified animal lover.”

“Mas tuwang tuwa pa si ms Moira Dela Torre sa tupa kesa sa bagong kasal.”

“Next song, sana ganyang kasaya ate moira, hndi ‘yung lagi ka na lang nananakit.”

“Sobrang cute ni moira!”

“Si moira parang may sariling mundo pero ‘yung hindi nakakainis.”

Si Moira Rachelle Bustamante Cruzado Dela Torre-Hernandez, mas kilala sa kanyang stage name na Moira Dela Torre, ay isang Filipina singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga cover song na “Sundo” ni Imago, “Torete” ng Moonstar88, at ang nagwaging single na Himig Handog na “Titibo-tibo”

Ikinasal si  Moira sa mang-aawit na si Jason Marvin Hernandez noong Enero 14, 2019.

Basahin: Morissette Amon at Dave Lamar, ibinunyag na sila ay kasal na

Samantala, kamakailan lamang ay inanunsyo  ng singer na si Morisette Amon at  ng asawang si Dave Lamar ang kanilang pag-iisang dibdib matapos nila itong itago sa publiko sa nakalipas na ilang buwan.

Inanunsyo ni Morissette ang kanyang engagement kay Dave noong Disyembre 21, 2020. Ang fiance ay tinukoy niya bilang kanyang unang pag-ibig at sagot sa kanyang panalangin.

“More than just an 11:11 wish, you’re an answered prayer. I love you @davejlamar, always have and always will,” aniya Morisette.

Post a Comment

Previous Post Next Post