Octa naniniwalang 'pahupa' na ang COVID sa maraming bahagi ng bansa: “Worst is over”

Naniniwala ang Octa research team na patuloy na ang paghupa ng mga kaso ng COVID-19 sa maraming bahagi ng bansa.

Ito ay base umano sa nakikitang ‘downward trend’ ng bilang ng COVID cases na naitala sa iba’t-ibang probinsiya nitong mga nagdaang araw.

“We believe that the worst is over in most parts of the country,” ani Octa research fellow Dr. Guido David sa ginanap na forum nitong Lunes, Enero 31.

“We could imagine that the worst is probably over for most of the country because cases have peaked or peaking,” dagdag pa ng eksperto.

Inihalimbawa ni David ang pagbaba ng mga naitalang kaso sa Davao City at Cebu City.

“Most of Cebu is now seeing a downward trajectory, although Cebu City is actually more advanced in terms of the decrease,” patuloy nito.

Gayunpaman, ipinaalala rin ni David na dapat pa ring mag-ingat ang publiko at sumunod sa ipinatutupad na minimum health protocols.

Ito ay sapagkat mayroon pa ring ‘significant’ na bilang ng kaso ng COVID sa ilang lugar sa Mindanao gaya ng Bukidnon, Camiguin, Cotabato, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao Oriental, Maguindanao, Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat, at maging sa Negros Oriental sa Visayas.

Naniniwala ri si Dr. David na maibababa na sa ‘low risk area’ ang Metro Manila, Rizal at Cavite sa susunod na dalawang linggo.

Huwag munang ibaba sa Alert Level 2

Samantala, inirerekomenda naman ng UP Pandemic Response Team na hintayin pa ang isang linggo bago tuluyang ibaba sa Alert Level 2 ang NCR.

Ito ay kasunod ng anunsiyo ng IATF na ibababa na sa Alert Level 2 ang Metro Manila simula Pebrero 2.

“What we’re suggesting is dahan-dahan because…we still don’t have any research how the natural immunity from omicron can protect us and second one even though there’s already a declining phase in terms of transmission in NCR the number is still in thousands,” ani UP professor Jomar Rabajante sa panayam ng ANC.

Ipinaalala rin ni Rabajante na nasa Alert Level 2 ang NCR noong Disyembre sa kasagsagan ng Pasko.

Dapat daw ay maipatupad muna nang maayos ang protocol bago magbaba ng alert level hindi gaya sa nangyari noong Disyembre kung saan sumirit muli ang COVID cases.

Post a Comment

Previous Post Next Post