SM, itinangging sa kanila ang property na sangkot sa marahas na demolisyon sa Cavite

Naglabas ng opisyal na pahayag ang SM Investments Corporation (SMIC) tungkol sa malaking lupain sa Maragondon, Cavite kung saan nagkaroon ng demolisyon ng mga bahay ng mga residente.

Itinanggi ng kumpanya na pag-aari nila iyon.

“SM Investments Corporation (SMIC) reiterated that it has never had any ownership of nor is it in any acquisition talks  with the subject property in Barangay Patungan, Maragondon, Cavite. The area of the demolition incident that happened last July 13, 2022 is not a property of SM,” saad sa official statement ng SMIC.

Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), ang Barangay Patungan ay isang coastal community sa kahabaan ng Mt. Palay-Palay; isang mountain range na mas kilala sa tawag na “Pico de Loro.”

Lahad ng Pamalakaya, ang fishing community sa Barangay Patungan ay ibinenta ng Maria Theresa Virata Realty Corp.  (MTV Realty Corp) sa Manila Southcoast Development Corporation, na isa umanong subsidiary ng SMIC.

Ayon naman sa Cavite Philippine National Police, ang naturang ari-arian na may sukat na apat hanggang limang ektarya at may tinatayang 400 na bahay, 600 families na binubuo ng 2,000 residente ay nakatitulo sa MTV Investment Properties Holding Corp. na kilala noon bilang MTV Realty Corp.

Nanawagan ang Pamalakaya sa Commission on Human Rights na imbestigahan ang marahas na demolisyon sa lugar na nagresulta sa pagkakasakitan sa pagitan ng mga residente at demolition team.

Sinabi naman ng PNP na ang nangyaring karahasan ay dahil sa mga agresibong residente na tumututol sa demolition order ng Regional Trial Court Branch 15.

Makikita sa larawang ibinahagi ng Pamalakaya na ang ilang residente ay gumagamit ng tirador kontra sa demolition team.

“Unfortunately, tension escalated as the affected residents resisted the court order and started throwing stones at the police personnel and members of the demolition team. Some fought outright against the law enforcers,” pahayag ni PNP chief General Dionardo Carlos.

Ayon sa Karapatan, isang Human Rights group, plano umanong gawing exclusive beach resort ang lugar.

Post a Comment

Previous Post Next Post