'Found my Spidey': Spider-Man 2-themed shoot ng Mavline kinakiligan ng fans

Kinakiligan ng marami ang isa sa mga recent photoshoot ng Kapuso stars at real-life sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara kung saan ni-recreate nila ang look ng 2004 film Spider-Man 2 at may bonus pang film poster na inspired din ng tandem nila na MavLine.

Sa kanya-kanya nilang Instagram accounts, ibinahagi ng dalawa ang mga kuha mula sa photoshoot na inspired sa pelikulang pinagbidahan nina Tobey Maguire at Kirsten Dunst. Ang nasa likod ng mga Spider-man shots ng MavLine, walang iba kung hindi ang isa sa mga pinakatalentadong photographer ng kanyang panahon na si Shaira Luna.

spiderman mavline

“Found my Spidey,” ani Kyline.

“You be the Mary Jane, I’ll be your Peter Parker,” wika naman ni Mavy.

spider-man mavline

Kamakailan lamang inamin ng dalawa ang tunay na relasyon nila sa isa’t isa matapos magtanong ang isang fan tungkol sa real score sa pagitan nila.

“It’s a yes!” tugon ng aktres. “It’s like a friendship na relationship. There are a lot of types of relationships, and kung ano ang mayroon kami ngayon, it’s really our own.”

Ibinahagi rin niya na ang pinakagusto niya kay Mavy ay hindi ito kailanman nawala sa tabi niya kahit pa pinalalayo na niya ito kung minsan.

“The fact that he’s always there even though ilang beses ko siya pinu-push away. Kung alam n’yo lang, he’s always there,” wika niya.

Samantala, tumugon din si Mavy sa tanong na, “Kailan mo na-realize na gusto mo na jowain si Ky?” Kuwento niya, nakasama nila ng kakambal niyang si Cassy ang aktres at simula noon ay nagkagusto na siya sa ka-love team.

“May event kami pinuntahan ni Cassy, tapos kasama si Ky. Tapos andun ‘yung Honne and after that, tumibok na ‘yung puso ko,” pagbabahagi ng young actor.

Magkasama ngayon ang young couple sa teleserye sa GMA-7 na I Left My Heart in Sorsogon.

spider-man mavline

Post a Comment

Previous Post Next Post