Opisyal ng DOTr natangayan ng alahas na nagkakahalaga ng P1.2M

Nalimas ang mga alahas na nagkakahalaga ng P1.2 million ni Department of Transportation (DOTr) Asec. Goddes Hope Libiran.

Imahe mula sa Facebook | Goddes Hope Libiran

Kuwento ni Libiran sa isang Facebook post, umalis lamang siya ng bahay nitong Sabado para sa kaniyang COVID-19 booster shot ngunit pag-uwi niya ay wala na ang kaniyang alahas at pera.

“Nagpa-booster lang ako, pagbalik ko sa bahay, wala na lahat ng alahas at pera ko,” aniya. 

Hinala ni Libiran, ang kaniyang bagong maid ang nasa likod ng krimen. Umalis daw kasi ito dakong 1:30 p.m. upang bumili ng bawang at sibuyas noong araw na iyon at hindi na bumalik.

“Shout out sa bagong maid ko na nagpaalam lang na bibili ng bawang at sibuyas sa labas kaninang 1:30 p.m. pero hindi na bumalik!” aniya. 

Imahe mula sa Facebook | Goddes Hope Libiran

“Iba ka, Manang. Nagmalasakit pa akong ipagamot ka kahapon dahil sa sakit mo, tapos ganito lang ang gagawin mo sa pamilya ko. Ibang klase ka.”

Nanawagan din siya sa mga National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) upang mahanap ang dating kasambahay. Sinubukan niya ring makipag-ugnayan sa agency kung saan niya na-hire ang kaniyang kasambahay.

Samantala, sa comment section ng News5 ay nagpasalamat si Libiran sa mga nag-aalala sa kanilang pamilya.

Imahe mula sa Facebook | Goddes Hope Libiran

“Thank you po sa lahat ng mga nag-express ng kanilang sympathy. It could have been worse. I am just glad na hindi sinaktan ang anak ko,” sabi ni Libiran.

Umaasa raw siya na magsilbing aral ito sa lahat. Simula raw ngayon ay dadaan muna sa mahigpit na background check ang iha-hire niya.

 “I learned my lesson. And may this be a warning to everyone looking for a maid. Pa-background check n’yo po muna nang maigi. I posted this dahil ayaw ko po na may maka-experience dito ng nangyari sa akin,” aniya

Post a Comment

Previous Post Next Post