Nagkaroon ka na rin ba ng alagang aso o pusa? Naranasan mo na bang mawala ang minamahal mong fur baby? Kumusta naman kaya ang pakiramdam ng pet na naligaw at hindi na matagpuan ang landas pauwi sa amo?
Tiyak na maaantig ka sa kuwento kaugnay sa isang aso na matagal-tagal na rin palang nawawala.

Image via Pixabay
Sa isang video na in-upload ni Yolly Flores na isang Tiktoker sa video-sharing app na TikTok, nakasaad ang caption na “Yung naghahanap lang kami mag-asawa sana ng Mercury na may stock n Biogesic Pero yung 3 weeks nang nawawalang Aso ng pinsan ng Asawa ko ang nakita namin.”
Kasagsagan umano ng paghahanap ng paracetamol dahil nagkakaubusan na nito sa mga pamilihan kaugnay sa biglang pagtaas ng Covid-19 infections at at flu.
Sa paghahanap nila ng gamot ay hindi nila sukat akalain na ang tatambad sa kanila ay ang alagang aso ng kanilang pinsan na halos isang buwan na ring nawawala. Si Backy pala ay nakarating sa malayo at hindi na nakabalik. Sa comment box ay sinabi ni Yolly na nakita nila ito sa Banawe corner Roosevelt St. sa Quezon City. Ang layo umano ng narating nito. Halos hindi nila ito nakilala pagkat pumayat daw at napakarumi.
Ang lalaking nasa video ay ang pet owner mismo ni Backy na tinawagan pala ni Yolly upang magtungo agad doon. At upang hindi na muling mawala ay nagdala na ito ng dog leash.
“Tinawagan ko po family nila, kami pong mag asawa nakakita, hinawakan ko na po si Backy nag videocall na po ako sa family kung siya nga ba si Backy,” tugon ni Yolly sa isang netizen na nagtanong.
Makikita sa video na labis ang emosyon ng aso nang makita ang kanyang amo. Nagtatatalon kasabay ng impit na pag-iyak at labis na kagalakan nito pagkat batid niyang ang pamilyar na mukha ang garantiya na siya ay makauuwi na.
@yollygirlYung naghahanap lng kmi mag Asawa sana ng Mercury n may stock n Biogesic Pero yung 3weeks ng nawawalang Aso ng pinsan ng Asawa ko ang nakita namin.♬ God Is Good – Paul Overstreet
Marami ang natuwa at naantig sa muling pagkikita ng mag-amo. Narito ang ilang komento ng mga netizens,
@Mizzy: Grabe naiyak talaga ako “Imagine you’re hungry, afraid and in pain but you can’t speak” pano pa fur baby”
@Jamie : miss na miss nya talaga mga amo nya sana po if needed wag nyo na lang palabasin, or kung lalabas samahan po sana”
@Marron : HOOOOOY NAIYAK AKOOOO SOBRANG SAYA KO PARA SA INYO!
May mga netizens na nagpahayag na gusto rin nilang lumabas at magbaka-sakali na muli rin nilang makikita ang kanilang mga alagang hayop na nawawala.
Hindi man naisasatinig, maging ang mga aso ay nakararanas din ng stress at anxiety. Mahihinuha na ang pagkikita nila ng kanyang amo ay nagbibigay ng kapanatagan at tuwa sa aso pagkat ito’y nanganghulugan na siya ay ligtas na.

Imahe mula sa TikTok
Aba, sikat na si Backy. Nakaabot na siya sa Kapuso Channel. Panoorin sila sa video ng GMA News.
Para naman sa mga humingi ng update kay Backy, pinaunlakan sila ni Yolly at nagbahagi pa ng ilang videos ng fur baby matapos itong maiuwi at mapaliguan.
@yollygirlito napo sya sobrang saya nakaligo narin sya’♬ original sound – Ylloy Nemul – Yollyflores