Precious moment: Workout na nauwi sa kulitan kasama si lola

“Gusto ko lang naman mag-workout.” ‘Ito umano ang inisyal na pinlano ng isang netizen. Kaya lang nauwi ito sa harutan nila ng kanyang mahal na lola!

Naalala mo pa ba ang masasayang araw mo kasama ang iyong lolo at lola? ‘Yung mga panahong nakakausap at nakakasama mo pa sila?

Eh ‘yung tuwa nila at saya habang kasama ka at nakakausap, napansin mo ba? ‘Yung tipong ramdam na ramdam mo ang pagkagiliw nila sa iyo. Doon pa lang ay sobrang saya na nila. Iba raw kasi ang bonding sa pagitan ng mga apo at mga lolo’t lola. Iba rin ang bonding sa pagitan ng mag-iina o mag-aama. May kakaibang kiliti ang bonding ng mag-abuela, sabi nga.

Kaya naman marami ang naka-relate at naka-miss sa kanilang mga elders nang mapanood ang videong ito ng isang apo na nag-workout sa simula.

Sa video ay ibinahagi ng isang babae ang kanyang plano sanang pagwo-workout. Makikita rito na nakaupo sa salas ang kanyang lola nang mapansin siya na may ginagawa at tinawag itong “murag wakwak ning amaw!”  (Click image to watch video)

Siya si Trisha Kate Maaliao Sorizo a.k.a Kikit. 19 anyos na gulang, isang Cheerleader, tiktoker at gamer mula sa Cagayan de Oro at ang kasama naman niya ay ang kanyang lola na si Josefina.

Ang video na ito ay unang nag-viral sa tiktok account ni Trisha (kiiiyt07) at maraming netizen ang naka-relate kaya madami ang napa-share.

Habang nagkakasiyahan ang mag-lola ay patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawang workout at may kasama pang tawanan. Kitang-kita mo talaga na sobra silang nasisiyahan sa kanilang ginagawang biruan harutan.

Kumalat na rin ito sa kung saan-saang social media platform at humakot naman ito ng mahigit 4M views at 339k reacts sa Facebook page na Papā.

Sa panahon ngayon ay bibihira nang mangyari ito kaya hangga’t nariyan pa ang ating mga mahal sa buhay ay pasayahin natin sila at i-enjoy ang mga moments tulad nito.

Nakaka-miss sina lolo at lola, hindi ba? Sa ganitong eksena ay talagang maaalala natin sila. ‘Ika nga eh ‘happy memories with lolo and lola’.

Ikaw? anong namimiss mo sa lolo at lola mo?

Sa dami ng naaliw ay umabot na sa mahigit 7k komento ang post.

“Cherish this kind of moments with your Lola’s soon they’ll become memories,” ani P. Pangan.

“Namiss ko ung nanay ko. Nakaka inggit yung mga anak na kasama pa nila nanay nila ..kung pwede lang sanang hilingin na makabalik sya uulit-ulitin kong hilingin na sna gumising na sya. Miss my mom sobra sobra,” ani Y. Oirasor.

“I miss my Lola so much! her giggles every time I try to tease her and make her laugh when she’s eating. I got smacked often but that’s my prize. Love her so much,” ani M. Angelo.

May nagkomento naman kung gaano kasaya si Lola matapos ang kulitan nila ng kanyang apo.

“Look how happy she was,” ani T. Ursua. Napagod si lola o, pero bakas sa kanyang ngiti ang kasiyahan sa naganap na lambingan kulitan.

Post a Comment

Previous Post Next Post