Matapos mapabalita ang hiwalayang Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao noong 2021, ay naging usap-usapan na naman sila dahil sa ‘parinigang’ naganap sa kanilang social media post nitong nakaraang linggo.
Dahil sadyang makuwela ang asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico, tila may sariling entry rin ito.
Ibinahagi naman ni Nico sa kanyang Instagram My Story, ang larawan na may hawak na hanger na nakapaloob sa damit nito.

“Hi, Ako nga pala ang sinampay mo,” nakakatawang pahabol meme ni Nico. Ibinahagi niya rin ito sa kanyang Facebook wall at tinag pa ako ex-couple.
Nakita ng kaibigang si Wil ang FB post ni Nico at agad naman niya itong ibinahagi sa kanyang Facebook account. “Isang taon na tong meme may pa habol pa! Buset na ito.” Ni-repost din ni Wil ang meme sa kanyang Instagram Stories at may caption na “Dude” na may tatlong emoji reaction.
Matatandaan na ibinahagi ni Alodia sa social media noong Huwebes, Enero 13, ang kanyang larawan na suot ang sleek golden gown, na mula sa isang character ng League of Legends’ na si Leona, para sa Arcane red-carpet event sa California, USA.
“Hi. Ako nga pala yung sinayang mo,” saad ni Alodia sa caption.
Basahin: Viral post ni Alodia Gosiengfiao, patama kaya kay Wil Dasovich?

Maraming ‘marites’ naman ang nagsabing si Will ang pinaparinggan nito. Matapos itong ipost ni Alodia ay marami ang nagtag sa dating nobyong si Wil.
Kinabukasan, Enero 14, nag-post naman si Wil na tila tugon sa “parinig” ni Alodia.
“Hi, ako nga pala yung sinaing mo,” saad sa caption ng Facebook post ni Will habang topless at nakasuot lamang ng apron, at may hawak na rice cooker na naglalaman ng sinaing na kanin.
Basahin: Wil Dasovich may kwelang bwelta sa viral post ng ex-GF; Alodia nagpaliwanag

Matapos ang tila ‘parinigan’ ng dalawa ay maraming haka-haka na nagbalikan daw muli ang ex-couple subalit wala pang kumpirmasyon kung totoo ba ito o hindi.
Nagsimula ang relasyon nina Wil at Alodia noong 2018 at nagwakas ito noong Nobyembre 2021 na ikinagulat ng lahat. Hindi na nila idinetalye pa kung ano ang puno’t dulo ng kanilang hiwalayan.
Marami rin ang nagsasabi na baka may third party umano na naging dahilan ng kanilang hiwalayan, pero sa huli wala pa ring sinasabi kung totoo ba ang ang usaping iyon.