Pinayuhan na umano ni Ogie Diaz ang tinaguriang ‘pambansang lalaking Marites’ at kontrobersiyal na negosyanteng si Xian Gaza hinggil sa pagiging ‘tsismoso’ nito sa mga usaping sangkot ang ilang showbiz personalities.
Kung matatandaan, nag-viral ang ilang ‘tsismis’ na ibinunyag ni Gaza sa kaniyang social media account tulad ng isyung kinasasangkutan noon diumano nina AJ Raval, Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Imahe mula sa Facebook| Xian Gaza
Si Gaza rin ang naglabas ng tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nina Will Dasovich at Alodia Gosiengfiao. At ang pinakahuli ngang pasabog ng negosyante ay hinggil naman kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo o ‘KathNiel’ at idinamay muli si Barbie Imperial.
BASAHIN: Xian Gaza may ‘ibinulgar’ tungkol sa hiwalayan ng dalawang sikat na influencer
Sa kaniyang You Tube vlog, ibinahagi ni Ogie na pinagsabihan na niya si Xian tungkol sa mga tsismis na ipinagkakalat nito na wala namang sapat na basehan.
“Sinabihan ko po si Xian na, ‘Pare, tigilan mo muna ang pagiging Marites lalo na kung wala namang sapat na pruweba. Ako po ay hindi nagkulang ng paalala. Sinabi ko naman po kay Xian ‘yun,” ani Ogie.

Imahe mula sa Facebook\ Xian Gaza
‘Marites’ ang kolokyal na tawag ngayon sa mga tsismoso/tsismosa na nagmula sa mga katagang ‘Mare, ano ang latest?”.
BASAHIN: Ang pagiging “marites” ay isang hanapbuhay – Xian Gaza
Bilang isang kaibigan umano, sinabihan niya raw si Xian na nasasayang lang ang mga ‘good deeds’ nito kung tatapatan naman ng ganitong pang-iintriga.
“Kung para sa ‘yo ay kulang pa ito, kung para sa ‘yo ay mali ako, e ‘di gawin mo kung ano ang para sa ‘yo ay tama kaya nga lang may repercussions,” dagdag pa ng talent manager.

Screenshot mula sa You Tube
Wala silang kinalaman ni Liza Soberano
Nilinaw rin ni Ogie na wala silang kinalaman ni Liza Soberano sa isyu ng ‘KathNiel’ na inilutang ni Gaza. Ito ay matapos mabanggit din ni Gaza sina Ogie at Liza sa isa sa kaniyang mga post na may kinalaman sa isyu subalit ngayon ay deleted na.
“‘Wag mo na kaming i-mention ni Liza kasi nadadamay kami, na baka isipin ng ibang tao na may kinalaman kami sa post mo,” anito.

Imahe mula sa Facebook
Nilinaw rin ng talent manager na bagama’t magkakilala sina Lisa at Xian, hindi naman ito maituturing na ‘super-close’ sa isa’t-isa bilang magkaibigan.
Nag-message na umano siya kay Xian at nag-sorry naman ito sa kaniya at kay Lisa.
“Hindi kita titirahin, sasabihin lang namin ‘yung totoo at ito nga ho ‘yung totoo — wala kaming kinalaman doon,” wika pa ni Ogie.
Panoorin ang buong vlog ni Ogie Diaz: