Pagkalipas ng 16 taon: Reunion project ng ex-couple na sina Ricky at Jackie Lou labis na ikinatuwa ng mga anak

Muling nagkasama sa isang proyekto ang dating mag-asawang sina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco — at masayang-masaya ang kanilang mga anak sa reunion project na ito matapos ang huling beses na naging co-stars sila sa Captain Barbell na umere sa GMA-7 simula 2006 hanggang 2007.

Sa Instagram, ibinahagi ni Jackie Lou na bukod sa kanilang dalawa ni Ricky, sobrang natutuwa rin ang kanilang mga anak na muli na naman silang magkakaeksena sa isang palabas.

“Out of all the teleseryes I’ve done, this one is really close to my heart. From loving the material, my role, and being part of this wonderful ensemble. At hindi lang ako ang masaya! Lalong-lalo na ang mga anak namin ni @rickyad. It’s been so long that we hadn’t worked with each other. So happy we were finally able to do so and I’m excited for you to see it!” aniya.

ricky jackie lou

Ayon sa PEP,  ikinuwento ni Jackie Lou kung paano naging madali sa kanila ni Ricky na magkasama at magkaeksena muli sa GMA series na I Can See You: AlterNate, ang bagong primetime drama series na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes sa GMA-7.

“I am very happy that we were given the chance to work together again after so long, super long. I think the last time I worked with Direk Ricky as an actress was Captain Barbell, but he got the chance to direct me in one soap. Napakadali naman katrabaho ni Direk Ricky ‘cause he’s very professional and wala kaming naging problema. Siguro nakakapanibago lang in the beginning kasi matagal kaming hindi nagkatrabaho, pero after that, okay,” saad niya.

ricky jackie lou

Taong 2016 nang aminin ni Jackie Lou na hiwalay na sila ni Ricky, kung saan hinangaan ng publiko ang tahimik at puno ng respeto nilang paghihiwalay. Sa nasabing serye, mag-asawa ang mga karakter na kanilang gagampanan at puring-puri nila ang isa’t isa sa pagiging mahusay at propesyonal.

“Usually nga, after naming gumawa ng scene, sasabihin ko agad sa mga anak ko, ‘Grabe, ang galing talaga ng tatay n’yo. Meron na naman siyang ibinigay na hindi ko ine-expect. I mean, Ricky is such a good actor. Always has been so wala na akong masasabi,” ani Jackie Lou.

“Madaling katrabaho naman si Jackie. Unang-una, magaling na artista. Tapos napakaganda rin ng materyal namin, ‘yung mga eksena namin, hindi yung usual kaya nakaka-excite. Saka, merong nagba-back up na team. ‘Yung mga anak namin, palaging nagte-text, tumatawag, ‘What happened to Mama and what was your eksena?’ Tapos, may eksenang sasampalin, ‘Are you going to slap Mama for real?’ ‘Did you shout at her?’ Yung mga anak ko kasi, Marites,” wika naman ni Ricky.

ricky jackie lou

Narito ang isang pasilip sa kanilang proyekto:

Post a Comment

Previous Post Next Post