Nagbahagi ang isang pharmaceutical company ng tips kung paano malalaman kung peke ang nabiling paracetamol brand.
Sa isang Facebook post, sinabi ng Unilab na batid nilang maraming konsyumer ang nag-aalala kung tunay ang mga gamot na nabibili nila sa gitna ng naiulat na pagtaas ng demand para sa paracetamol.

Imahe mula sa PNA | National Drug Policy Programs-Eastern Visayas
“We understand that many are concerned about the authenticity of the medicines they’ve purchased. Here is a quick guide on how to spot key differences between fake and authentic Paracetamol (Biogesic),” anila.
Ang pekeng Biogesic ay mas matingkad o maputla ang kulay habang ang kulay naman ng tunay na gamot ay kagaya ng nakikita sa mga advertisement. “Color and engraving should be how it is advertised,” paliwanag nila.
Pagdating naman sa packaging ng tablet, mas malaki ang espasyo sa pekeng gamot habang sakto lang sa tunay.
Ang pattern naman na nakikita sa packaging ng pekeng gamot ay dotted. Diamond ang pattern ng authentic na Biogesic.

Imahe mula sa Facebook | Unilab
Samantala, ang kulay naman ng foil ng pekeng Biogesic ay mas light o mas dark kaysa standard color ng authentic na gamot.
Maaari ring tingnan ang seal ng Unilab sa nabiling gamot – naka-watermark at sa ilang mga anggulo lang nababasa ang kanilang seal sa mga tunay na gamot at kitang-kita naman ito sa mga peke.
Dagdag payo nila, bumili lamang sa mga drugstore at retailer na lisensyado ng Food and Drug Administration.
“If you are unsure about the authenticity, or want to report a fake/counterfeit Unilab product, contact us at (02) 8864-5221 or at info@unilab.com.ph. Remain vigilant and buy your healthcare products only from trusted drugstores and retailers!” dagdag pa nila.

Imahe mula sa Facebook | DOH
Tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na walang shortage sa paracetamol matapos mapag-usapan sa social media na out of stock na ang ilang brands nito.
“The DOH would like to assure the public that while there is an observed increased demand for such products, there is no ongoing shortage in the Philippines. Paracetamol has many generic alternatives in the market, which are available in many drug stores nationwide,” pahayag nila.