Tayong mga magulang, biyaya kung ituring natin ang ating mga anak. Masaya nating ipinagdiriwang ang bawat milestone ng ating mga supling sa abot ng ating makakaya. Parang wala tayong hindi kayang gawin para sa kanila, ‘di ba?
Kaya naman isang Daddy ang game na game na sumama sa photoshoot ng anak dahil sa wala ito sa mood magpakuha ng larawan.

Kahit anong gawin daw kasi ni Napoleon Soriano at ng kanyang misis para mapangiti lang ang kanilang anak na si Ellie para sa baptismal at birthday photoshoot ay hindi tumalab. Wa epek.
Sa Facebook post na ibinahagi ng Faces Portraits ay ikinuwento nila ang istorya sa likod ng mga larawan ng celebrant. Sila nga pala ang kausap ng mag-asawa para sa momentous pictorial sana ng kanilang anak.
“Share ko lang ….
Kahit ano effort ng Family para mapaganda ung Pictorial (dress, costume, photographer, location , setup styling etc. ) …kung talagang wala sa mood si baby ay wala tayo magagawa TRIP ni baby yan :). pero napabilib ako ng daddy. Hindi nya sinayang ung setup,” saad sa post ng Faces Portraits. Nakakuha na ito ng 2.9K reactions at 3.1K shares.

Gumawa naman ng paraan si daddy at nagsuot na rin ng OOTD — pink na wig at isang sparkly turquoise na damit sa pagsisikap na mapatahan ang anak, upang maipagpatuloy ang photoshoot.
Subalit talagang hindi masanay-sanay ang kanilang anak sa dami ng mga tao!
Kaya naman para maging sulit ang setup ay ang ama na lang ang nag-pictorial. O ‘di ba, sulit na?

Ayon sa Coconut Manila, ipinaliwanang naman ni daddy Napoleon na isa si Ellie sa mga ipinanganak sa gitna ng pandemya, kaya hindi nila masyadong inilalabas ang bata dahil sa kaligtasan na rin nito.
Karamihan ngayon sa mga bata ay takot makisalamuha sa ibang tao at sinabi ni Napoleon na si Ellie ay unang natakot sa photographer at sa mga assistant na naroroon sa photoshoot
“We don’t expose her to the outside world for her safety, that’s why she might have developed stranger anxiety. She always cries whenever she sees unfamiliar faces, hence her reaction in the pictures,” saad ni Napoleon
Isang memorable experience rin daw ang nangyaring iyon, “My wife was just laughing the entire time,” aniya “She knows that I’m a jolly person, I love joking around because I want our relationship to be light, fun and stress-free. While for my daughter, she has no reaction yet maybe because she’s too young to understand.”

Nang naipadala na nga ang mga larawan ay kanila itong ikinasaya at ibinahagi sa mga kamag-anak at malalapit na kaibigan. “When the photos came out, of course we just laughed at it, we even shared it with our family and close friends.”
Panoorin ang video ng binyag at kaarawan ni Baby Ellie (kasama na ang ‘in reality’ scenes) mula sa Faces Portraits;
Dahil sa kinaaliwan ito ng netizens, ayun, nakarating na sa Kapuso channel:
