Sinugod nga ba noon ni Andrea Brillantes si Francine Diaz sa dressing room dahil kay Seth?

Naging usap-usapan kamakailan lang ang diumano’y pag-unfollow sa isa’t isa nina Andrea Brillantes at Francine Diaz sa Instagram.

Sinundan pa iyon ng cryptic post ni Andrea na tila may pinasasaringan.

Ang ugat daw ng isyu ay ang kumalat na litrato ni Seth Fedelin na nasa bahay ng pamilya ni Francine noong Disyembre ng nakaraang taon.

Si Seth ay ka-love team ni Andrea. SethDrea ang tawag sa tambalan nila. Ano raw ang ginagawa ni Seth sa bahay nina Francine, ang tanong ng madla. Bakit daw biglang may FranSeth?

May mga nagsasabing si Francine daw ay nobya talaga ni Seth, peo dahil ibinebenta sa publiko ang SethDrea love team ay hindi raw nila puwedeng ilantad ang totoong relasyon.

Sa vlog ni Ogie “Mama Ogs” Diaz na “Ogie Diaz Showbiz Update, topic nila ng co-host niyang si Mama Loi ang isyu sa pagitan ni Andrea at Francine. Sabi ni Ogie na isang source ang nagtsika sa kanya na sinugod daw noon ni Andrea si Francine sa dressing room dahil kay Seth.

“Nakarating lamang po ito sa atin ano? P’wede po kayong ‘di maniwala, ito po ay nakarating lamang so kayo na pong bahala mag-confirm. Nung December 18 ‘ata, Christmas Special ng ABS-CBN, eh parang nagkaroon pa ng ‘di pagkakaunawaan itong si Blythe (Andrea) at Francine,” simula ni Mama Ogs.

“Oo, dahil nakita niya na nagpa-picture itong si Seth, ‘di ba may SethDrea, na parang ginu-groom ng ABS-CBN na lumaking love team, wala pa ‘yung FranSeth. Kasi nga si Kyle at Francine yung ine-establish. Eh, ngayon ang nakarating sa amin, hiniritan ng glam team nitong si Francine si Seth na jumoin sa kanila sa picture taking. Tapos ayun nga, eh parang ikinagalit ito ni Blythe, ni Andrea. Kaya totoo ba ito? Nagkaroon ng suguran sa dressing room?” dagdag pa niya.

Samantala, sa vlog ni Francine kasama ang aktor na si Jake Ejercito, sinabi niya na single siya at wala pang boyfriend.

Nagkalamat na nga kaya ang friendship ng dalawa? O FO na sila?

Panoorin ang Ogie Diaz Showbiz update:

Post a Comment

Previous Post Next Post