Nag-viral ang social media post ng popular na content creator at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao kamakailan lang.
Napukaw kasi ang pansin ng mga netizens sa caption ng post niya kasama ng isang litrato kung saan nakasuot siya ng golden gown na obra ng designer na si Mara Chua.

“Hi. Ako nga pala ‘yung sinayang mo,” ang nag-viral na post ng cosplayer.
Inakala ng mga followers niya na patama iyon kay Wil Dasovich na dati niyang boyfriend.
Ang mga sumusunod ay ilan lang sa napakaraming komento ng netizens sa post ni Alodia.
“Sayang nga.”
“Kuya Wil, sinayang mo pa ‘to oh.”
“Bwisit ka Wil. Sinayang mo Queen A namin. Maglaway ka ngayon.”
Nagkomento rin si Wil Dasovich sa comment ng kapatid ni Alodia na si Ashley Gosiegfiao, pero agad niya iyong binura.
’Wag na, nagbo-blow-up na phone ko. Alam ko na. Naku po,” sabi ni Wil sa burado niyang komento na na-screenshot ng isang follower ni Alodia.

Ilang oras lang ang lumipas ay nag-post naman si Wil Dasovich sa sarili niyang social media account na halatang reaksyon sa post ng dating kasintahan.
Kwela ang sagot ni Wil sa post ni Alodia kaya naman agad din iyong nag-viral. Mayroon na iyong higit 22,000 shares, 19,000 comments at 366,000 ang nagbigay ng “Haha” reactions.
“Hi, ako nga pala ‘yung sinaing mo,” hirit ni Wil kasama ang larawan na hawak niya ang isang rice cooker na may sinaing.

Narito ang ilan sa mga komento sa post niya:
“Haha, I knew you would post something like this, bro!”
“Boss Alodia Gosiengfiao, nagpaparinig si Boss Wil , oh.”
“Bumawi ka pa talaga. Pakurot nga.”
“Huwag mong iwanan baka masunog. Love n’yo pa ang isa’t isa. May mga hugot, eh.”
Samantala, ipinaliwang ni Alodia na ang post niya ay isang meme quote na nabasa niya. Pinasalamatan niya rin ang mga followers na nagpahayag ng suporta sa kanya.

“Thank you guys for the support but yesterday’s post was based on a meme quote I saw somewhere on the intraweb but a few people took it seriously so sorry for the confusion! I’ve been posting memes daily for a while now because I like sharing funny things. Even have a page dedicated to it which has been up for almost a decade – Alodia Memes.”