Naiuwi ng limang Pinoy ang karangalan sa 2021 photo contest na inilunsad ng Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA) na may temang “One Health is Wealth: Healthy Agriculture and Sustainable Food Systems.”
Ilang photographers ang sumali sa nasabing patimpalak kabilang na ang mga nagpasa ng entry mula sa Pilipinas, Vietnam at Myanmar.
Naiuwi ni Lindy Vivien Aldaba ang first prize sa kaniyang larawang nagpapakita ng home gardening.

“The winning picture is a vignette illustrating how the COVID-19 pandemic opened people’s minds to produce food in the comfort of their own homes with access to online resources to help them grow their plants well,” ayon sa SEARCA.
Isa ring Pinoy na si Klienne Eco ang nag-uwi ng second prize, habang ang entry ng Vietnamese na si The Duy Tu naman ang itinanghal na third prize.
Ang entry ni Eco ay ipinakikita ang mag-anak na nag-aaral sa harap ng malulusog na gulay at prutas. Ang kay Tu naman ay ipinakita ang halamang water mimosa na karaniwang matatagpuan sa Cambodia, Lao PDR, Thailand, at Vietnam.

Bukod dito, naiuwi rin ni Arturo B. de Vera, Jr. ang SEARCA Director’s Choice Award kung saan ipinakita ng Pinoy ang mag-anak na magsasaka habang ang tatay ay inihahanda ang bagong aning mga gulay.
Ang People’s Choice naman ay napunta sa entry ng isang Filipino na si Arnel Dagdag Garcia. Ang entry ni Garcia ay larawan ng isang batang nagtatanim ng buto habang ang kaniyang tatay at kapatid ay nag-aani ng mga pananim na humakot ng 1,000 Likes sa Facebook.
Ang napili namang Philippine Education Secretary’s Choice ay ang larawang mula kay Kyaw Zayar Lin. Ipinakita niya sa kaniyang entry ang mga farm workers habang kumakain sa tabi ng palayan.

DCIM101MEDIADJI_0963.JPG
Bukod dito nagdagdag din ng dalawang special awards ang SEARCA ngayong taon: ang Best Youth Photographer Award (Camera) na napunta kay Aung Myat Thu; at Best Youth Photographer Award (Mobile Phone) na naiuwi naman ni Emely J. Escala.
Ang first prize ay mag-uuwi ng US $1,000, habang ang second at third prize naman ay makatatanggap ng $800 at $500.

Ang SEARCA Director’s Choice at Philippine Education Secretary’s Choice award ay kapwa gagawaran ng $500 na premyo habang ang People’s Choice Award ay bibigyan ng $400.
Samantala, ang dalawang Best Youth Photographer Awards ay tatanggap rin ng $300 bawat isa.
Maaaring tunghayan ang lahat ng entries sa LINK na ito.