Ai Ai sa asawang si Gerald: Mayroon talagang tao na nilaan ng Diyos para sa'yo

Magkasama man o malayo ang distansya, iisa lamang ang nadarama ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa kanyang mister na si Gerald Sibayan: ang pag-ibig na may kasiguraduhang hatid.

Sa Instagram, masayang ibinahagi ng aktres kung gaano siya nabiyayaan pagdating sa isang kapareha dahil nauwi siya sa isang katulad ni Gerald na katulad niya ay hindi nagbabago ang pagmamahal na nadarama kahit matagal na silang magkasama.

“Miss ko na sobra ‘tong lalaki na ‘to,” saad niya. “Tuwing kausap ko ‘to, parati akong natatawa (sa sobrang karakter niya) or naiiyak (sa sobrang miss pero wala kang choice)—blessed ako na kahit matagal na kami mahal pa rin namin isa’t isa,” wika ng komedyante.

“Kaya naniwala na ako ngayon na meron talagang tao nilaan ng Diyos para sa’yo, na kalahati mo, na makakasama mo sa buhay, na magiging masaya ka at payapa. Salamat, Lord, sa blessing na ito. Labyu, my darl,” pagpapatuloy niya.

ai ai

Ayon sa Bandera, kinailangan munang bumalik ni Ai Ai sa bansa para sa bago niyang project sa GMA, ang upcoming family drama series na Raising Mamay. Ito ang dahilan kaya pansamantala muna niyang iniwan si Gerald sa US. Kailangan daw talaga niya itong gawin para tuparin ang commitments niya sa Kapuso Network.

ai ai

Taong 2017 nang ikinasal sina Ai Ai at Gerald. Matatandaang pinag-usapan ang kanilang pag-iisang dibdib dahil sa agwat ng kanilang mga edad pero pinatunayan nila na hindi hadlang ito sa dalawang taong nagmamahalan nang totoo.

Nito lamang Pebrero ay masayang ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ika-94 na monthsary. Wika ni Ai Ai sa kanyang Instagram message, “94th monthsary. Mamahalin kita sa hirap o ginhawa. May COVID or wala. May lipstick man ako o wala. May snow man or araw. Bagong gising o walang tulog. Tagtuyot o tagulan. Lumaki or lumiit man ang Walmart. May pang-grocery man ako or wala sa Wholefoods.”

“Sa Virginia man or Cali, kahit saang parte ng mundo, anuman ang sitwasyon, ako’y naririto para sa’yo, darling ko,” pangako pa ng aktres.

ai ai

Post a Comment

Previous Post Next Post