Kyline Alcantara, Denise Laurel muling nagkita; 'I will always be your baby girl'

Ang Kapuso star na si Kyline Alcantara ay nagbahagi ng larawan kasama ang singer-aktres na si Denise Laurel na pagkatapos ng maraming taon ay nagkitang muli.

Sa kanyang Instagram, makikita ang pagkamiss nila sa isa’t isa at nagyakapan  pa ito nang mahigpit.

“Felt so great seeing you again, ate @d_laurel !!! You’re still so sexy!!! I love you and i missed you!!! I will always be your baby girl,” masayang pagbahagi ng aktres sa kanyang caption.

Hindi lamang mga larawan ang in-upload ng aktres kundi isang video clip mula sa teleseryeng ‘Annaliza’ na humihingi ng tawad at umiiyak ang batang Kyline (Arlyn) kay Denise (Isabel).

Marami ang nag-like sa larawan na ibinahagi ng aktres at may mga komento na gusto nila muling makita sa screen na magkasama ang dalawa.

“Baaaaabyyyyyyy love uuuuuu I hope I can complete my two babies soon!!:) that was the bestest huggg!!!! Bitin our time together!!! Let’s make time soon?” tugon ni Denise kay Kyline.

Inaasahan ng singer-aktres  na magkikita at magiging kumpleto ang kanyang dalawang babies na sina Andrea Brillantes at Kyline.

Sinabi rin ni Denise na it ‘was the bestest huggg’, bitin na sana ay magkasama at maulit muli.

May isang tagahanga na nagkomento na para na lamang silang magkapatid, “mukha na kayong mag sister.”

“Nakakamiss yung katarayan ni Arlene”

“Mas matangkad pa si ate ky.”

“Omg I didn’t recognize her Laurel is on fire.”

“Can’t wait to see you reunite with Blythe.”

Maraming umaasa na mga followers na sana mag-reunite muli ang cast ng Annaliza.

Matatandaang ipinalabas ang Annaliza sa Primetime Bida ng ABS_CBN at sa buong mundo via The Filipino channel noong Mayo 27, 2013 hanggang Marso 21, 2014.

Pinagbidahan ito ng aktres na si Andrea Brillantes para sa kanyang unang lead role, kasama sina Zanjoe Marudo, Denise Laurel, Kaye Abad, Patrick Garcia, Carlo Aquino at Kyline Alcantara.

Post a Comment

Previous Post Next Post