Pokwang naghayag ng suporta kay Atty. Chel Diokno sa Twitter

Ang TV-host-comedienne at aktres na si Pokwang ay nagpost sa social media ng pagsuporta kay senatorial candidate  Atty. Jose Manuel ‘Chel’ Diokno.

Sa isang Twitter post nitong Pebrero 22 ay napabilang sa listahan ng mga local na celebrities na sumusuporta sa kandidatura ni Diokno si Pokwang o Marietta Subong O’Brian sa tunay na buhay.

Walang pag-aalinlangan si Pokwang na inihayag ang kanyang suporta kay Atty. Chel Diokno, isang senatorial candidate na nasa ilalim ng slate ni VP Leni Robredo.

“Dios mio panginoong mahabagin!! mag @ChelDiokno na lang ako!! kaloka sabi nga ni Gary V, dina natuto….” tweet ng aktres.

Nag-respond naman agad ang attorney, “Naku po, chel ka lang @pokwang27. Maraming maraming salamat sa suporta.”

Pagkatapos ay tumugon si Pokwang na siya ay isang malaking tagahanga ng abogado at sinabihan pa ito na manatiling ligtas lalo na at may virus pa rin na kumakalat sa ngayon.

“I’m a huge fan po… ingat po,” ani Pokwang.

“I’m also a big fan of yours! My son Pepe speaks so highly of you,” tweet muli ni Diokno kay Pokwang.

Natuwa si Pokwang sa huling mensahe ni Diokno, “Waaaahhh i love him napaka buting tao maganda pagpapalaki nyo sa kanya.”

Si Atty. Chel Diokno ay aktibo ngayon sa pangangampanya at pumupunta sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, kasama ang presidential candidate na si VP Leni Robredo.

Ang aktres na si Pokwang ay isa palang certified kakampink kahit nasa kabilang estasyon ito.

Si Pokwang ay gumanap na sa iba’t ibang teleserye at variety show sa ilalim ng media giant na ABS-CBN.

Kasunod ng pagsasara ng nasabing network, pumirma si Pokwang sa ilalim ng GMA-7 kasama ang iba pang Kapamilya celebrities.

Post a Comment

Previous Post Next Post